This article has been translated from English to Tagalog.
Ngayon na mukhang humupa na ang gulo matapos ang mga kaganapan ng linggong ito, tahimik na ba ang mga merkado at may matutunan ba tayo mula dito?
Ang pag-kita sa isang trending o high-volatility trading environment ay mas madali para sa maraming traders.
Ang malalakas na trends at volatile na currency pairs ay kadalasang nag-aalok ng pinakamagandang oportunidad para sa mga klasikong buy-low-then-sell-high na strategies.
Pero ang maging consistently profitable kapag hindi masyadong magulo ang merkado, medyo mas mahirap ito.
Kailangan mong i-adjust ang iyong volatility expectations (at pati na rin ang iyong position sizing) at biglang hindi na predictable ang price reactions ng mga paborito mong currency pairs.
Paggamit ng mga subok mo nang trending strategies ay maaari ring magresulta sa losses na pwedeng humantong sa mas marami pang problema sa confidence at execution mo sa trading.
Ibig bang sabihin nito na dapat iwasan ang trading sa low-volatility days?
Pwede mo na bang tapusin ang Netflix series mo o maghanap ng bagong hobbies tulad ng streaming at paggawa ng viral TikTok videos?
HINDI!
Ang pagiging consistently profitable ay nangangahulugang kumikita kahit hindi ideal ang market conditions para sa mga existing mong strategies. Buti na lang, may mga bagay kang matutunan sa trading sa tahimik na merkado na makakabuti sa ’yo:
1. Patience
Ang paghanap ng trade opportunities kapag hindi masyadong kumikilos ang presyo tulad ng nakasanayan mo ay kadalasang nagtutulak sa mga traders na mag-overtrade, o kumuha ng trades kahit hindi sapat na suportado ng fundamental at technical analyses o walang paborableng odds.
Sa kalaunan, matutunan mong ang pagiging profitable ay nangangahulugang mas mapili sa setups na tinatake mo.
Matutunan mong mas mabuting maghintay ng isang magandang trade kaysa sa mag-take ng chances sa half-baked trade ideas. Ang discipline na makukuha mo ay makakatulong para maiwasan ang overtrading at magiging kapaki-pakinabang ito sa lahat ng uri ng trading environments.
2. Flexibility
Tulad ng isang chef na nagbabago ng menu depende sa season, ang consistently profitable traders ay natututo ring mag-switch ng kanilang trading strategies depende sa kasalukuyang market environment.
Walang masama sa pagiging specialize sa trend-catching strategies, syempre. Pero kung gusto mong kumita sa buong taon, kailangan mo ring palawakin ang skillset mo lampas sa karaniwang “buy low, sell high” program.
Magbasa tungkol sa countertrend, breakout, at range strategies kung nagsisimula ka pa lang!
3. Adaptability
Ang pinakamalalaking galaw at pinaka-predictable sa isang trending environment ay maaaring hindi ang pinakamagandang pairs na i-trade kapag humupa na ang volatility. Ang trading sa isang tahimik na merkado ay pumipilit sa iyo na tukuyin ang mga bagong oportunidad na maaari mong samantalahin.
May iba bang currency pairs na mas predictable ang galaw kaysa sa mga go-to assets mo?Mas maganda bang mag-trade sa ibang trading session?
Dapat mo bang mag-focus sa ibang indicator kapag nag-i-identify ng low-volatility trade setups?
Ilan lang ito sa mga tanong na masasagot mo sa sapat na pag-practice sa trading sa non-trending conditions.
Tandaan mo na kung paano mo i-trade ang isang setup ay kasinghalaga ng setup na i-ti-trade mo.
Hindi mo kailangang maghintay ng perfect trading environment basta’t na-master mo na ang art and science ng spotting setups na may magandang reward-to-risk ratios at natutunan mong i-execute ang trades mo ayon sa plano.