This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Isa sa mga pinaka-nakaka-engganyo sa forex trading ay 'yung kakayahang mag-trade sa margin.

Pero sa maraming forex traders, ang “margin” ay tila alien na concept na madalas hindi nauunawaan.

Tulad ni Bob. Bob the Forex Trader

Si Bob, panginoon pagdating sa fried chicken at mashed potatoes, pero pagdating sa margin at leverage, lutang siya.

Ang margin trading ay nagbibigay sa'yo ng kakayahan pumasok sa mas malalaking positions kaysa sa balanse ng account mo.

Sa konting cash, puwede kang magbukas ng mas malaking trade sa forex market.

At sa konting pagkilos lang ng presyo pabor sa’yo, may posibilidad kang makuha ang bonggang laki ng tubo.

Pero para sa karamihan ng mga bagong traders, dahil di nila alam ang ginagawa nila, hindi ito madalas nagkakatotoo.

Madalas, umaandar din ang price, pero umaandar ito laban sa kanila.

Tulad ng nangyari kay Bob.

Nasa trade si Bob.

Siguradong-sigurado si Bob na panalo siya sa trade kaya todo siya kung mag-bet.

Tsaka, bigla na lang, sa gulat at katitigan ni Bob, nakita niya ang trade niya na awtomatikong na-close sa trading platform at naglaos ng matindi.

‘Yung natirang pera sa account ni Bob kulang pa para magbukas uli ng isa pang trade.

Gulat na gulat si Bob. Tanong niya sa sarili, “Anong nagyari?”Bob Gets A Margin Call

Kinontak niya ang forex broker niya at sinabi sa kanya na siya ay "nasentensyahan ng isang Margin Call at na-experience ang isang Stop Out“.

Hindi naa-gets ni Bob ang sinasabi ng broker niya.

Si Bob ay WALANG ALAM.

Kaya, mahalagang maintindihan mo kung paano gumagana ang margin.

Maraming bagong traders ang wala talagang alam tungkol sa margin, paano ito ginagamit, paano ito i-calculate, at ang kahalagahan nito sa kanilang trading.

Alam mo ba kung ano ang margin talaga? Paano 'yung used margin?

Ano ang free margin? Ano ang margin level? Ano ang margin call? Ano ang stop out o margin closeout?

Kitang-kita mo, sobrang daming "jargon sa margin" sa forex trading.

Bago ka pumili ng forex broker at simulang mag-trade gamit ang margin, mahalaga na maintindihan lahat ng mga ito.

Kung hindi, halos sigurado na matatapos ka tulad ni Bob.

Mga mali-mali ang nangyayari sa trading account mo katulad ng margin call o stop out. Pero ni hindi mo alam kung ano ang naganap o kung bakit ito nangyari.

Kung talaga gusto mong maintindihan kung paano ginagamit ang margin sa forex trading, kailangan mong malaman paano talagang gumagana ang trading account mo.

Nagsisimula ito sa pag-intindi kung ano ang aktwal na ibig sabihin ng ilan (napaka-importante) na bilang na nakikita mo sa trading platform mo.

Tatawagin natin mga number na ito na “metrics” ng margin account mo.

Halimbawa, tingnan mo ang MetaTrader 4, tinatawag din na MT4, trading platform:

MetaTrader Account Metrics

Ang metrics na ito ay lahat magkaugnay.

Ang pagbago isa, nagiging sanhi ng pagbabago sa isa pa.Margin Relationships Bilang isang trader, kailangan mong magkaroon ng kamalayan sa mga ugnayan sa pagitan nila

BAGO ka pa pumasok sa kahit isang trade sa isang live account.

Huwag maging katulad ni Bob.

Don't Be Bob

Kapag ang certain metrics ay bumagsak sa ilalim ng certain value, nangyayari ang MASAMANG BAGAY!

Kailangan mong malaman kung ano ang mga metrics na ito!

Kailangan mo ring malaman kung ano ang mga “masamang bagay” na ito!

Siguraduhin na mahusay na kuha mo kung paano talagang gumagana ang trading account mo at paano ito gumagamit ng margin.

So tara, dive in na tayo.

Ipinapakita ng margin trading account ang sumusunod na metrics:

  • Balance
  • Used Margin
  • Free Margin
  • Unrealized P/L
  • Equity
  • Margin Level

Ang metric ay isang measurement lang ng "isang bagay".

Ibig sabihin, ang bawat metric sa itaas ay sinusukat ang mahahalagang bagay tungkol sa account mo na may kaugnayan sa margin.

Halimbawa, sinusukat ng “Balance” kung magkano ang cash na meron ka sa account mo. At kung wala kang certain amount ng cash, baka kulang na ang “margin” para magbukas ng bagong trades o panatilihin ang existing trades bukas.

Depende sa trading platform, maaring magkakaibang pangalan ang bawat metric pero ang sinusukat ay pareho lang.

Tignan natin uli ang metrics sa MetaTrader 4.

MetaTrader4 Metrics

Mapapansin mo na mukhang hindi na-displey ang "Used Margin". Pero nandiyan iyon. Ang MetaTrader 4 ay dinidisplay ito bilang "Margin". Y U do dis?
Narito ang isa pang halimbawa ng account metrics mula sa ibang forex trading platform:

Forex Margin Metrics

Parehong metrics tulad ng sa MetaTrader 4, pero iba lang ang labels.

Huwag mabahala sa iba palo na labels sa ngayon, ipapaliwanag namin ang bawat metric na may kaugnayan sa margin sa paraang maeenganyo kang matutunan kung alin aling metric ang gamit, kahit anong label ang ikabit.

Pati papakita rin namin kung anong ibang pangalan pwedeng makilala ang isang partikular na metric. At sa dulo nitong Margin Trading 101 course, bibigyan ka namin ng nakakatuwang “cheat sheet” para sa lahat ng margin jargon na ito.

Tara, talakayin na natin isa-isa ang bawat metric nang detalyado.

Simulan natin sa pinakamadali…