This article has been translated from English to Tagalog.
Ano ba ang forex?
Simple lang, ito yung global financial market kung saan pwede kang mag-trade ng currencies.
Kapag sa tingin mo mas lalakas ang isang currency kumpara sa iba at tama ka nga, pwede kang kumita ng pera.
Noong unang panahon, bago pa pumasok ang global pandemic, pwede pang mag eroplano at bumiyahe ng libre sa ibang bansa
Karaniwan, kung ikaw ay bumibiyahe papuntang ibang bansa, kailangan mong maghanap ng currency exchange booth sa airport, tapos ipapalit mo yung laman ng wallet mo dun sa currency nung bansang pinuntahan mo.

Pumunta ka sa counter at mapapansin mong may screen na nagpapakita ng iba't-ibang exchange rates para sa iba't-ibang currency.
Ang exchange rate ay ang relatibong presyo ng dalawang currency mula sa dalawang magkaibang bansa.
Makikita mo ang “Japanese yen” at iisipin mo sa sarili mo, “WOW! Ang isang dolyar ko ay 100 yen?! At may sampung dolyar ako! Yayaman ako!!!”Kapag ginawa mo 'yan, parang sumali ka na rin sa forex market!
Nakapagpalit ka na ng isang currency para sa isa pa.
O sa forex trading terms, kung ikaw ay isang Amerikano na bumibisita sa Japan, nagbenta ka ng dolyar at bumili ng yen.

Bago ka makabalik sa bahay, dumaan ka ulit sa currency exchange booth para ipalit yung natira mong yen (mahal sa Tokyo!) at mapapansin mong nagbago na ang exchange rates.
Ang pagbabago ng mga exchange rates ang nag-a-allow sayo para kumita sa foreign exchange market.
Ano ang forex?
Ang foreign exchange market, na karaniwang tinatawag na “forex” o “FX,” ay ang pinakamalaking financial market sa mundo.
Ang FX market ay isang global, decentralized market kung saan ipinagpapalit ang currencies ng buong mundo.
Dahil sa dami ng mga kalahok sa market, kabilang ang central banks, financial institutions, corporations, hedge funds, at individual traders, nagbabago ang exchange rates bawat segundo kaya ang market ay laging kumikilos.
Kakaunting porsyento lang ng currency transactions ang nangyayare sa “totoong ekonomiya” na involve ang international trade at tourism kagaya noong halimbawa sa airport kanina.Sa halip, karamihan ng currency transactions na nagaganap sa global foreign exchange market ay binibili (at binebenta) para sa speculative na mga dahilan.
Ang mga currency traders (na tinatawag ding mga currency speculators) ay bumibili ng currencies na may pag-asa na maibebenta nila ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap.
Kung ikukumpara sa “maliit” na $20 billion kada araw na volume ng New York Stock Exchange (NYSE), parang higante talaga ang foreign exchange market na mayroong $7.5 TRILYON kada araw na trade volume.
’Yan ay trilyon na may “t”.
Subukan nating i-compara ito gamit ang monsters…
Ang pinakamalaking stock market sa mundo, ang New York Stock Exchange (NYSE), ay may trading volume na mga $20 billion kada araw. Kung gagamit tayo ng monster para i-represent ang NYSE, ganito ang itsura niya…

Mukhang nakakatakot. Parang pumupunta pa sa gym. Yung iba pwedeng sabihing medyo hot.
Lagi mong naririnig ang tungkol sa NYSE sa balita araw-araw… sa CNBC… sa Bloomberg…sa BBC… aba, baka naririnig mo pa nga ito sa gym niyo. “Ang NYSE ay tumaas ngayong araw, blah, blah”.Pag sinasabi ng mga tao ang “market”, kadalasan itong stock market. Kaya parang malaki ang NYSE, maingay at mahilig sumigaw.
Pero kung ikukumpara mo talaga ito sa forex market, ganito ang itsura nya…

Ooh, parang ang liit ng NYSE kumpara sa forex market! Walang laban!
Mag-iisip ka kung ang "S" ba sa NYSE ay parang “Stock” o baka “Scrawny”?
Ang cryptocurrency market ay mas maliit pa.
Tingnan mo ang graph ng average daily trading volume para sa forex market, New York Stock Exchange, Tokyo Stock Exchange, at London Stock Exchange:

Ang currency market ay higit sa 200 beses na MAS MALAKI! Ang LAKI nito!
Ngunit teka lang, merong twist!
Yang malaking $7.5 trillion number ay bumabalot sa buong global foreign exchange market, PERO ang “spot” market, kung saan na relevant para sa karamihan ng forex traders, ay mas maliit sa $2 trillion kada araw.
At pag gusto mo lang bilangin ang daily trading volume mula sa retail traders (tayong mga madla), mas maliit pa talaga.Mahirap malaman ang eksaktong laki ng retail segment ng FX market, pero tinatantya itong nasa mga 3-5% ng kabuuang daily FX trading volumes, o nasa mga $200-300 billion (malamang mas mababa).
Kaya nga, ang forex market ay tiyak na malaki, pero hindi kasinglaki ng gusto nilang ipaniwala sa'yo.
Huwag masabik sa “forex is a $7.5 trillion market” hype! Ang tunog ng malaking numero ay kahanga-hanga, pero medyo misleading. Hindi kami mahilig mag-exaggerate. Nagpapatotoo lang kami.

Maliban pa sa laki nito, bihira pang magsara ang market na ito! Bukas siya halos buong araw.
Ang forex market ay bukas 24 oras kada araw at 5 araw kada linggo, nagsasara lang ito tuwing weekend. (Tamad-tamad!)
Kaya hindi katulad ng stock o bond markets, ang forex market ay HINDI nagsasara sa dulo ng bawat business day.
Imbis na magsara ito, lumilipat lang ng oras ng trading sa iba’t ibang financial centers sa buong mundo.

Nagsisimula ang araw kapag nagising na ang mga traders sa Auckland/Wellington, tapos nagpupunta sa Sydney, Singapore, Hong Kong, Tokyo, Frankfurt, London, at sa wakas, New York, bago magsimula ulit ang trading sa New Zealand!
Para matulungan kang malaman kung ano ang nangyayari sa forex market araw-araw, nagprovide kami ng FX Market Snapshot tool. Isa itong visual guide na nagbuod ng kasalukuyang market activity, para madaling makita at maintindihan ng traders kung alin sa mga major currencies ang malakas o volatile, at kung aling mga currency pairs ang pinakamalaki ang itinaas o ibinaba.
Sa susunod na seksyon, ibubunyag natin KUNG ANO talaga ang pino-trade sa forex market.