This article has been translated from English to Tagalog.

Ano ba ang mining sa Bitcoin?

Ang “Mining” ay ang proseso ng pagkumpirma ng mga transaksyon at pagdaragdag nito sa blockchain.

Ang mga nodes na lumalahok sa mining ay tinatawag na miners at mahalagang bahagi ito ng Bitcoin network. Bilang bahagi ng proseso ng mining, may mga bagong bitcoins na nililikha, na "binabayad" sa mga miners.

Ang magandang paraan para mas maintindihan ang mining ay tingnan muna kung paano gagana ang Bitcoin kung wala itong mining.

Ganito ang magiging takbo.

Sabihin nating ito ay isang file.

File called a blockchain

Nakatago ito sa isang computer.

Isipin mong parang Word doc ang file na ito.

At tawagin natin ang file na ito bilang “blockchain“.

Ang blockchain ay isang distributed ledger ng “blocks”.

Magdadive deeper ako sa blockchain sa susunod na lesson, pero sa ngayon, alamin mo lang na bawat block ay may bundle ng mga transaksyon.

Ngayon isipin mo ito ay ang Bitcoin Network.

Imagine this is the Bitcoin Network.

Lahat ng ito ay mga computers na konektado sa internet, at pinapatakbo nila ang Bitcoin software.

Lahat sila ay nagsi-share ng kopya ng iisang file, na siya ang blockchain.

Kung gusto mong magpadala ng bitcoin sa iba, o mag-transfer ng ownership ng bitcoin sa iba, ikaw ay mag-iinitiate ng isang transaction.

Bitcoin Mining: Send Bitcoin

Ang transaksyon ay parang isang linya ng data (naka-purple).

Bitcoin transaction is a line of data

Kapag nag-initiate ka ng isang transaksyon, ito ay ipapadala sa isang node ng Bitcoin network.

Bitcon transaction gets sent to a node

Kung walang mining ang Bitcoin, ganito dapat ang proseso: ang computer na ito ay diretsong irerecord ang transaksyon sa blockchain, ang shared file.

Bitcoin transaction written straight to blockchain

Pagkatapos, ipapasa ng computer ang transaksyon sa ibang nodes na konektado ito at sila ay isusulat ang data ng transaksyon sa kanilang sariling file.

Ang mga nodes na iyon ay ipapasa ang transaksyon sa bawat node na konektado sila at isusulat din nila ang data ng transaksyon sa kanilang sariling file.

At tuloy-tuloy na ito….
Bitcoin nodes record transaction directly into their blockchain

Magpapatuloy ito hanggang ang transaksyon ay makarating sa BUONG Bitcoin network.

At bawat node ay naisulat na ito sa kanilang file.

Kaya iyon ay isang simpleng paraan ng pagkakaroon ng shared file o isang shared “ledger” ng mga transaksyon o isang “distributed ledger”.

Bitcoin ansaction has propagated the entire network

Pansinin kung paano ngayon ay LAHAT ng computers ay may purple line (transaksyon) na nakatago sa kanilang file (blockchain).

Kapag lahat ng nodes ay na-update na ang kanilang kopya ng file, ang ownership ng bitcoin ay magbabago mula sa isang tao papunta sa susunod na tao.

All Bitcoin nodes have updated their copy of the file.

At iyon ay isang halimbawa ng isang simpleng Bitcoin transaction. Congratulations!

Pero may problema tayo…

Mayroong problemang kailangang lutasin kung gagawin natin ito sa ganitong paraan.

Sabihin nating gusto mong ibenta ang iyong bitcoin sa purple dude.

Kaya lilikha ka ng isang transaksyon para ipadala ang bitcoin sa purple dude.

Send bitcoi to purple dude

Pagkatapos ay ipapadala mo ang transaksyong ito sa node sa side na ito ng Bitcoin network.

Send Bitcoin transaction to the node on this side of the network.

Pero sabihin nating ikaw ay shady na tao, at dahil hindi mo mapigilan, susubukan mong gumawa ng kalokohan.

Dahil ito ay network ng magkakakonektang computers, lilikha ka ng IKALAWANG transaksyon na ipadadala ang PAREHONG bitcoin sa ibang tao gaya ng red dude (sa kanan na side).

Send same bitcoin to red dude

Pagkatapos ay ipapadala mo ang transaksyong ito kasama ang red dude sa isa pang node sa network.

WTF?!

Kaka-insert mo lang ng DALAWANG magkahiwalay na transaksyon sa network na nagtatangkang gastosin ang PAREHONG bitcoin!

Puwede mong gawin ito dahil ito ay network ng mga computers na nasa iba't ibang lugar sa mundo.

Aba, napaka-sneaky mo naman. Congratulations! Shady ka talaga!

Send Bitcoin transaction to another node in network

So ang mangyayari mula rito ay ang mga dalawang transaksyon na ito ay magsisimulang mag-propagate sa network.

Ang ilang nodes ay makakatanggap ng purple transaksyon. Ang ibang nodes naman ay makakatanggap ng red transaksyon.

Different bitcoin transactions propogate network

Sa ilustrasyon sa ibaba, kapag sinubukan ng isang computer na ipasa ang red transaksyon nito, ang computer na ito ay nakatanggap na ng purple transaksyon na ginagastos ang bitcoin na ito kaya ito ay magrereject

Na mabuti naman, pero heto ang problema…

Bitcoin node rejects transaction
Ngayon mayroon kang dalawang NAGKAKASALUNGAT na transaksyon sa network.

Tandaan, ang bawat computer sa network ay kailangang mag-share ng PAREHONG FILE.

Ang ilang computers ay hindi makakakuha ng file na may purple transaksyon, habang ang iba ay may hawak na file na may red transaksyon. Lahat sila ay kailangang pumili ng isa.

LAHAT ng computers ay kailangang pumili ng red transaksyon O ng purple transaksyon.

Kung ang Bitcoin ay gagana sa ganitong paraan kung saan ang mga transaksyon ay direktang isinusulat sa file, lilikha ka ng ganitong DOUBLE SPEND problem.

Conflicting transactions on Bitcoin network

Ang Bitcoin ay nakaka-solve ng problemang ito!

Kung interesado ka sa video format ng topic na ito, i-check mo itong magandang YouTube video mula sa Learn Me a Bitcoin. Ang ilang bahagi ng lesson na ito ay na-inspire mula sa video na ito.

Kaya paano nagkakaroon ng kasunduan ang mga computers kung aling transaksyon ang legit?

Mining ang solusyon.

Ang Bitcoin ay nakaka-solve ng problemang ito ng hindi pagkakaroon ng mga conflicting transaksyon na isinusulat sa blockchain, ang shared “file”.

At dito pumapasok ang mining.