This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Meron pang isang paraan para gamitin ang pivot points sa iyong forex trading strategy, at 'yan ay gamitin ito para sukatin ang market sentiment.

Ibig sabihin nito ay malalaman mo kung mas gusto ng traders na bumili o magbenta ng currency pair.

Ang kailangan mo lang gawin ay bantayan ang pivot point. Pwede mo siyang ituring na parang 50-yard line ng American football field.

Depende kung nasaan ang bola (na sa kasong ito, ay ang presyo), malalaman mo kung sino'ng mas may bentahe—ang buyers o sellers.

Kapag ang presyo ay nag-break through sa pivot point pataas, senyales ito na bullish ang mga traders sa pair at dapat mong simulan ang pagbili ng pair na parang Krispy Kreme donut lang 'yan.

Heto ang halimbawa ng nangyari nang ang presyo ay nanatili sa itaas ng pivot point.

Price opened and stayed above pivot point

Sa halimbawa na ito, makikita natin na nag-gap up ang EUR/USD at nagbukas sa itaas ng pivot point.

Pagkatapos, ang presyo ay tumaas pa ng tumaas, na-break niya lahat ng resistance levels.

Ngayon, kung ang presyo ay nag-break through sa pivot point pababa, dapat mong simulan ang pagbenta ng currency pair na parang stock ng Enron o Theranos.

Ang pagiging nasa ilalim ng pivot point ay magsisignal ng bearish sentiment at na posibleng may bentahe ang sellers sa trading session.

Silipin natin ang chart ng GBP/USD.

Price opened and stayed below the pivot point

Sa chart sa itaas, makikita natin na tinest ng presyo ang pivot point, na umakto bilang resistance level. Sunod na alam mo, ang pair ay bumababa pa ng bumababa.

Kung nakita mo ang senyales na ang presyo ay nanatili sa ilalim ng pivot point at nagbenta ka ng pair, nakagawa ka sana ng magandang kita. Bumagsak ang GBP/USD ng halos 300 pips!

Siyempre, hindi laging ganito ang nangyayari.

May mga pagkakataon na iniisip mo na bearish ang forex traders sa isang pair, tapos bigla itong nag-reverse at nag-break through pataas!

Pivot points are of no help as buyers and sellers are undecided

Sa halimbawang ito, kung nakita mo ang pag-break lower mula sa pivot point at nagbenta ka, siguradong badtrip ang araw mo.

Pagkatapos, sa European session, nag-pop higher ang EUR/USD, eventually na-break ang pivot point. At higit pa doon, nanatili ang pair sa itaas ng pivot point, pinapakita kung paano ang mga buyers ay todo effort.

Ang aral dito?

Pasaway ang mga traders!

Ang pakiramdam ng forex traders tungkol sa isang currency ay pwedeng magbago-bago araw-araw, kahit session sa session.

Kaya hindi mo basta-basta pwedeng bilhin kung ang presyo ay nasa itaas ng pivot point o ibenta kapag nasa ilalim ito.

Sa halip, kung pinili mong gamitin ang pivot point analysis sa ganitong paraan, dapat mo itong i-combine sa ibang indicators para makatulong na tukuyin ang kabuuang market sentiment.