This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Ano ang mga breakouts at paano ko sila mapapakinabangan?

Hindi tulad ng mga pimples na meron ka noong teenager ka, iba ang breakout sa mundo ng trading!

Ang breakout ay nangyayari kapag ang presyo ay “nag-breakout” (gets mo?) mula sa isang consolidation o trading range.

Breakouts!Pwede ring mangyari ang breakout kapag may nababasag na specific price level tulad ng support at resistance levels, pivot points, Fibonacci levels, at iba pa.

Sa breakout trades, ang goal ay pumasok sa market kapag nagkaroon ng breakout ang presyo at saka sumakay sa trade hanggang sa bumaba ang volatility.

Volatility, Hindi Volume

Breakouts and Volatility

Mapapansin mong, hindi tulad ng trading stocks o futures, wala kang makikitang volume ng trades sa forex market.

Sa stock o futures trades, mahalaga ang volume para makagawa ng magandang breakout trades kaya't disadvantage kapag wala ito sa forex.

Dahil sa disadvantage na ito, kailangan tayong umasa hindi lang sa tamang risk management kundi pati sa iba pang criteria para makaposisyon para sa potensyal na breakout.

Kapag may malaking galaw ng presyo sa maikling panahon, mataas ang tinuturing na volatility.

Sa kabilang banda, kapag kaunti lang ang galaw sa maikling panahon, mababa ang tinuturing na volatility.

Habang nakaka-engganyo ang pumasok sa market kapag mabilis pa sa alas-kuwatro ang galaw, kadalasan ay mas stress at anxious ka; nagkakamali sa desisyon habang ang pera mo ay papasok at lalabas agad.

Ang mataas na volatility ang umaakit sa maraming forex traders, pero ito rin ang nagpapatumba sa kanila.

Ang goal dito ay gamitin ang volatility sa iyong pabor.

Imbes na sumunod sa karamihan at subukan pumasok kapag sobrang volatile ng market, mas okay na maghanap ng currency pairs na may mababang volatility.

Sa ganitong paraan, makakaposisyon ka at magiging handa kapag nagkaroon ng breakout at tumaas bigla ang volatility!