This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Ano ang mangyayari kung magbukas ka ng trading account na meron lang $100?

O kaya naman ay €100? O di kaya naman £100?

Dahil sa margin trading, pwede ka na nga makapagbukas ng trades gamit ang maliit na halaga lang, kaya't posible na magsimula ng forex trading sa $100 na deposito.

Pero, dapat mo bang subukan?

Margin Call Bear Puzzled

Tingnan natin ang posibleng mangyayari kung susubukan mo.

Sa senaryong ito ng trading, ang retail forex broker mo ay merong Margin Call Level of 100% at isang Stop Out Level of 20%.

Ngayon na alam natin kung ano ang Margin Call at Stop Out Levels, alamin natin kung posible bang mag-trade gamit ang $100.

Kung hindi mo pa nababasa ang aming mga leksyon tungkol sa Margin Call at Stop Out Levels, i-pause ang leksyon na ito at simulan dito muna!

Hakbang 1: Mag-deposit ng Pondo sa Trading Account

Account Balance

Dahil wide na wide ang moves mo, nag-deposit ka ng $100 sa trading account mo.

Ngayon meron ka ng account balance na $100.

Ganito ang itsura ng account mo sa trading platform:

Long / Short FX Pair Position Size Entry Price Current Price Margin Level Equity Used Margin Free Margin Balance Floating P/L
$100 $100 $100

Hakbang 2: Kalkulahin ang Kinakailangang Margin

Gusto mong mag-short ng EUR/USD sa 1.20000 at magbukas ka ng 5 micro lots (1,000 units x 5) na posisyon.

Ang Margin Requirement ay 1%.

Gaano karaming margin (“Kinakailangang Margin“) ang kailangan mo para mabuksan ang posisyon?

Dahil ang trading account mo ay denominated sa USD, kailangan nating i-convert ang value ng EUR papuntang USD para ma-determine ang Notional Value ng trade.

€1 = $1.20

€1,000 x 5 micro lots = €5,000

€5,000 = $6,000

Ang Notional Value ay $6,000.

Ngayon, pwede na nating kalkulahin ang Kinakailangang Margin:

Kinakailangang Margin = Notional Value x Margin Requirement

$60 = $6,000 x .01

Ipinagpapalagay na ang trading account mo ay denominated sa USD kaya't ang Margin Requirement ay 1%, ang Kinakailangang Margin ay magiging $60.Required Margin

Hakbang 3: Kalkulahin ang Nagamit na Margin

Used MarginMaliban sa trade na kabubukas lang, wala nang ibang trades na bukas.

Dahil isa lang ang posisyon na naka-open, ang Nagamit na Margin ay magiging pareho sa Kinakailangang Margin.

Hakbang 4: Kalkulahin ang Equity

Ipinagpapalagay na ang price ay bahagyang gumalaw pabor sayo at ang posisyon mo ay ngayon nagti-trade sa breakeven.

Ang ibig sabihin nito ay ang Floating P/L mo ay $0.

Kalkulahin natin ang Equity mo:

Equity = Balance + Floating Profits (o Losses)

$100 = $100 + $0

Ang Equity sa account mo ngayon ay $100.
Equity

Hakbang 5: Kalkulahin ang Free Margin

Ngayong alam na natin ang Equity, pwede na nating kalkulahin ang Free Margin:

Free Margin = Equity - Used Margin

$40 = $100 - $60

Ang Free Margin ay $40.Free Margin

Hakbang 6: Kalkulahin ang Margin Level

Ngayong alam na natin ang Equity, pwede na nating kalkulahin ang Margin Level:

Margin Level = (Equity / Used Margin) x 100%

167% = ($100 / 60) x 100%

Ang Margin Level ay 167%.Margin Level

Sa puntong ito, ganito ang itsura ng account metrics mo sa trading platform:

Long / Short FX Pair Position Size Entry Price Current Price Margin Level Equity Used Margin Free Margin Balance Floating P/L
$100 $100
Short EUR/USD 6,000 1.20000 1.20000 167% $100 $60 $40 $100 $0

EUR/USD tumaas ng 80 pips!

EUR/USD tumaas ng 80 pips at ngayon ay nag-trade na sa 1.2080.Margin Call LevelTingnan natin kung paano naapektuhan ang iyong account.

Nagamit na Margin

Mapapansin mong nagbago ang Nagamit na Margin.

Dahil nagbago ang exchange rate, nagbago rin ang Notional Value ng posisyon.

Nangangailangan ito ng muling pagkalkula ng Kinakailangang Margin.

Kahit kailan nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng EUR/USD, nagbabago rin ang Kinakailangang Margin!

Dahil ang EUR/USD ay nagti-trade na sa 1.20800 (kaysa 1.20000), tingnan natin kung gaano karaming Kinakailangang Margin ang kailangan para panatilihing bukas ang posisyon.

Dahil ang trading account mo ay denominated sa USD, kailangan nating i-convert ang value ng EUR papuntang USD para ma-determine ang Notional Value ng trade.

€1 = $1.2080 

€1,000 x 5 micro lots = €5,000 

€5,000 = $6,040

Ang Notional Value ay $6,040.

Dati, ang Notional Value ay $6,000. Dahil tumaas ang EUR/USD, ibig sabihin ito ay naglakas ang EUR. At dahil ang account mo ay denominated sa USD, ito ay nagiging sanhi ng pagtaas ng Notional Value ng posisyon mo.

Ngayon maaari na nating kalkulahin ang Kinakailangang Margin:

Kinakailangang Margin = Notional Value x Margin Requirement

$60.40 = $6,040 x .01

Pansinin na dahil sa pagtaas ng Notional Value, tumaas rin ang Kinakailangang Margin.

Dahil ang Margin Requirement ay 1%, ang Kinakailangang Margin ay magiging $60.40.

Dati, ang Kinakailangang Margin ay $60.00 (noong ang EUR/USD ay nagti-trade sa 1.20000).

Ang Nagamit na Margin ay ina-update upang ipakita ang mga pagbabago sa Kinakailangang Margin para sa bawat posisyong nakabukas.

Sa halimbawa na ito, dahil isa lang ang posisyong nkabukas, ang Nagamit na Margin ay magkakapareho sa bagong Kinakailangang Margin.

Floating P/L

Ang EUR/USD ay tumaas mula 1.2000 hanggang 1.2080, isang pagkakaiba ng 80 pips.

Dahil nagti-trade ka ng micro lots, ang isang pip na galaw ay katumbas ng $0.10 per micro lot.

Ang posisyon mo ay 5 micro lots, bawat pip ay katumbas ng $0.50.

Dahil short ka sa EUR/USD, nangangahulugan ito na meron kang Floating Loss na $40.

Floating P/L = Position Size x (Current Price - Entry Price)

Floating P/L = 5,000 x (1.20800 - 1.20000)

Floating P/L = -$40

Equity

Ang Equity mo ngayon ay $60.

Equity = Balance + Floating P/L

$60 = $100 + (-$40)

Free Margin

Ang Free Margin mo ay ngayon $0.

Free Margin = Equity - Used Margin

-$0.40 = $60 - $60.40

Margin Level

Ang Margin Level mo ay bumaba sa 99%.

Margin Level = (Equity / Used Margin) x 100% 

99% = ($60/ $60.40) x 100%

Ang Margin Call Level ay kapag ang Margin Level ay 100%.

Ang Margin Level mo ay mas mababa na ngayon sa 100%!

Margin Call Bear Oh No!

Sa puntong ito, makakatanggap ka ng Margin Call, na isang BABALA.

Ang mga posisyon mo ay mananatiling bukas PERO…

Alinman mang bagong posisyon ay hindi maaring mabuksan hangga't hindi tataas ang Margin Level ng higit sa 100%.

Account Metrics

Ganito ang hitsura ng account metrics mo sa trading platform:

Long / Short FX Pair Position Size Entry Price Current Price Margin Level Equity Used Margin Free Margin Balance Floating P/L
$100 $100 $100
Short EUR/USD 5,000 1.20000 1.20000 167% $100 $60 $40 $100 $0
Short EUR/USD 5,000 1.20000 1.20800 99% $60 $60.40 -$0.40 $100 -$40

EUR/USD tumaas pa ng 96 pips!

EUR/USD tumaas pa ng 96 pips at ngayon ay nagti-trade na sa 1.2176.Stop Out Level

Nagamit na Margin

Dahil ang EUR/USD ay ngayon nagti-trade sa 1.21760 (sa halip na 1.20800), tingnan natin kung gaano karaming Kinakailangang Margin ang kailangan para panatilihing bukas ang posisyon.

Dahil ang trading account mo ay denominated sa USD, kailangan nating i-convert ang value ng EUR sa USD para ma-determine ang Notional Value ng trade.

€1 = $1.21760

€1,000 x 5 micro lots = €5,000 

€5,000 = $6,088

Ang Notional Value ay $6,088.

Ngayon, pwede na nating kalkulahin ang Kinakailangang Margin:

Kinakailangang Margin = Notional Value x Margin Requirement

$60.88 = $6,080 x .01

Pansinin na dahil ang Notional Value ay tumaas, tumaas rin ang Kinakailangang Margin.

Dahil ang Margin Requirement ay 1%, ang Kinakailangang Margin ay magiging $60.88.

Dati, ang Kinakailangang Margin ay $60.40 (noong ang EUR/USD ay nagti-trade sa 1.20800).

Ang Nagamit na Margin ay ina-update upang ipakita ang mga pagbabago sa Kinakailangang Margin para sa bawat posisyong bukas.

Sa halimbawang ito, dahil isang posisyon lang ang open, ang Nagamit na Margin ay kapareho ng bagong Kinakailangang Margin.

Floating P/L

Ang EUR/USD ay ngayon ay tumaas mula 1.20000 hanggang 1.217600, isang pagkakaiba ng 176 pips.

Dahil nagti-trade ka ng 5 micro lots, ang isang pip na galaw ay katumbas ng $0.50.

Dahil may short position ka, ibig sabihin nito ay may Floating Loss na $88.

Floating P/L = (Current Price - Entry Price) x 10,000 x $X/pip

-$88 = (1.21760 - 1.20000) x 10,000 x $0.50/pip

Equity

Ang Equity mo ngayon ay $12.

Equity = Balance + Floating P/L

$12 = $100 + (-$88)

Free Margin

Ang Free Margin mo ngayon ay –$48.88.

Free Margin = Equity - Used Margin

-$48.88 = $12 - $60.88

Margin Level

Ang Margin Level mo ay bumaba sa 20%.

Margin Level = (Equity / Used Margin) x 100% 

20% = ($12 / $60.88) x 100%

Sa puntong ito, ang Margin Level mo ay ngayon ay mas mababa sa Stop Out Level!

Account Metrics

Ganito ang hitsura ng account metrics mo sa trading platform:

Long / Short FX Pair Position Size Entry Price Current Price Margin Level Equity Used Margin Free Margin Balance Floating P/L
$100 $100 $100
Short EUR/USD 5,000 1.20000 1.20000 167% $100 $60 $40 $100 $0
Short EUR/USD 5,000 1.20000 1.20800 99% $60 $60.40 -$0.40 $100 -$40
Short EUR/USD 5,000 1.20000 1.21760 20% $12 $60.88 -$48.88 $100 -$88

Stop Out!

Ang Stop Out Level ay kapag ang Margin Level ay bumaba sa 20%.

Sa puntong ito, naabot na ng Margin Level mo ang Stop Out Level!

Margin Call Bear Face Palm

Ang trading platform mo ay awtomatikong mag-execute ng isang Stop Out.

Na ang ibig sabihin, ang trade mo ay awtomatikong magsasara sa market price at dalawang bagay ang mangyayari:

  1. Ang Nagamit na Margin mo ay "mare-release".
  2. Ang Floating Loss mo ay "mare-realize".

Ang Balance mo ay i-update para ipakita ang Realized Loss.

Ngayong ang account mo ay wala nang open positions at "flat" na, ang Free Margin, Equity, at Balance ay magiging pare-pareho.

Wala nang Margin Level o Floating P/L dahil wala nang open na posisyon.Stop Out Result

Tingnan natin kung paano nagbago ang trading account mo mula sa simula hanggang sa dulo.

Long / Short FX Pair Position Size Entry Price Current Price Margin Level Equity Used Margin Free Margin Balance Floating P/L
$100 $10,000 $100
Short EUR/USD 5,000 1.20000 1.20000 167% $100 $60 $40 $100 $0
Short EUR/USD 5,000 1.20000 1.20800 99% $60 $60.40 -$0.40 $100 -$40
Short EUR/USD 5,000 1.20000 1.21760 20% $12 $60.88 -$48.88 $100 -$88
$12 $12 $12

Bago ang trade, meron kang $100 na cash.

Ngayon, pagkatapos ng isang TRADE LANG, naiwan kang may $12!

Bitin pa para pambayad ng isang buwan ng Netflix!

Nawala mo ang 88% ng kapital mo.

% Gain/Loss = ((Ending Balance - Starting Balance) / Starting Balance) x 100%

-88% = (($12 - $100) / $100) x 100%

At sa EUR/USD gumalaw lang ng 176 pips!

Ang galaw na 176 pips ay wala lang. Madaling gumalaw ang EUR/USD ng ganyan kadami sa loob ng isang araw o dalawa. (Tingnan ang real-time na EUR/USD volatility sa MarketMilk™)

Congratulations! Sinabog mo lang ang account mo! 👏

Dahil ang balance ng account mo ay sobrang baba na para makapagbukas ng bagong trades, patay na ang trading account mo.
Margin Call Bear Out