This article has been translated from English to Tagalog.
Ngayon na natutunan na natin ang masakit na leksyon ng sobrang laki ng trading, tara't pag-usapan natin kung paano tama ang pag-gamit ng leverage gamit ang tamang “position sizing.”
Ang position sizing ay ang pag-set ng tamang bilang ng units na bibilhin o ibebenta mo sa isang currency pair.
Isa ito sa pinaka-mahalagang skills sa skill set ng isang forex trader.

Actually, sasabihin na rin namin na ito ang pinaka-importante sa lahat ng skills.
Una sa lahat, ang mga traders ay “risk managers“, kaya bago ka mag-start mag-trade ng totoong pera, dapat kaya mo nang mag-compute ng position size kahit sa pagtulog!
Ang paghahanap ng position size na swak sa risk comfort level mo ay medyo madali lang… at ginamit namin ang “medyo madali” nang maluwag dito.Depende sa currency pair na tinitrade mo at sa account denomination mo (dollars, euros, pounds, etc.), may isa o dalawang steps na kailangang idagdag sa computation.

Ngayon, bago tayo mag-math-math, kailangan natin ng limang impormasyon:
- Account equity o balance
- Currency pair na tinitrade mo
- Ang porsyento ng account mo na gusto mong i-risk
- Stop loss sa pips
- Conversion currency pair exchange rates
Madali lang, di ba? Tara, move on na tayo sa ilang examples.