This article has been translated from English to Tagalog.
Technical analysis ay ang siyentipikong paraan kung saan nag-aaral ang mga traders ng paggalaw ng presyo.
Ang theorieya kasi eh, pwede mong tingnan ang mga dating galaw ng presyo para malaman ang kasalukuyang trading conditions at posibleng paggalaw ng presyo ngayon.
Yung mga gumagamit ng technical analysis ay tinatawag na technical analyst. Ang mga traders naman na gumagamit nito ay tinatawag na technical traders.
Ang pangunahing ebidensya para gamitin ang technical analysis ay umaasa ito na, theoretically, lahat ng impormasyon tungkol sa market ay nakapaloob na sa presyo.Karaniwang naniniwala ang mga technical traders na “Lahat nasa charts na 'yan!”
Ibig sabihin lang nito na lahat ng kilalang impormasyong fundamental ay nasa kasalukuyang market price na.
Kung ang presyo ay nagpapakita ng lahat ng impormasyon, ang galaw ng presyo na lang talaga ang kailangan para makipag-trade.
Tinitingnan ng technical analysis ang ritmo, agos, at mga trend sa galaw ng presyo.
O baka naman narinig mo na ang kasabihan, “Nauulit ang kasaysayan“?
Well, yan ang basic na ideya ng technical analysis!
Kung ang presyong ito ay dating naging major support o resistance level, forex traders ay magmamasid dito at aayunin ang trades base doon sa historical price level na 'yon.
Hinahanap ng technical analysts ang mga pattern na naganap noong nakaraan at ito ang batayan ng kanilang mga trade ideas, umaasa na maaaring gumalaw ang presyo sa parehong paraan katulad noong dati.
Ang technical analysis hindi talaga tungkol sa prediksyon kundi sa POSIBILIDAD.
Technical analysis ay pag-aaral ng dating galaw ng presyo para makilala ang mga pattern at mahulaan ang posibilidad ng direksyon ng presyo sa hinaharap.
Technical analysis ay pag-aaral ng dating galaw ng presyo.
Paano nga ba ang “pag-aaral ng dating galaw ng presyo“?
Sa mundo ng trading, kapag may nagsabi ng “technical analysis”, unang pumapasok sa isipan ay isang chart.
Gumagamit ng charts ang technical analysts kasi ito ang pinakamadaling paraan para makita ang historical data!Ang technical analysts ay nabubuhay, kumakain, at humihinga na parang chart na rin kaya kadalasan tinatawag silang chartists.
Naniniwala ang chartists na ang galaw ng presyo ang pinaka-maasahang indikasyon ng galaw ng presyo sa hinaharap.
Ang Pilosopiya sa Likod ng Technical Analysis
Nakaangkla ang technical analysis sa ilang pangunahing pilosopikal na prinsipyo:
- Market Efficiency: Ang mga presyo ay nagpapakita ng lahat ng pampublikong impormasyong mayroon, kaya medyo nabaliw ang fundamental analysis.
- Crowd Psychology: Ang emosyon at kilos ng market participants ang lumilikha ng mga pattern at trend.
- Nauulit ang Kasaysayan: Ang kalikasan ng tao at dynamics ng market ay nagreresulta sa magkakatulad na pattern at cycle.
- Fractals: Ang mga merkado ay nagpapakita ng fractal na katangian, kung saan ang maliliit na pattern ay kahawig ng mas malalaki. Inuulit ng mga pattern ng merkado sa iba't ibang laki at timeframe.
- Probabilistic Thinking: Ang technical analysis ay nakatuon sa probabilities, hindi sa mga kasiguraduhan.
- Adaptive Markets: Ang mga merkado ay nag-e-evolve, at ang technical analysis ay umaangkop sa nagbabagong kalagayan
Maaari mong tingnan ang lumang data para makatulong sa iyong matukoy ang mga trend at pattern kung saan makakahanap ka ng magagandang tsansa sa trading.
Ang isa pa ay dahil sa dami ng mga traders na nakasalalay sa technical analysis, ang mga pattern ng presyo at indicator signals ay karaniwang nagiging parang prophecy na nagkatotoo.
Kapag mas marami ang nag-aabang ng partikular na price levels at chart patterns, mas malamang na lumitaw ang mga pattern na ito sa merkado.
Dapat mo rin malaman na ang technical analysis ay NAPAKA-subjective.
Kahit nakatingin sina Michelangelo, Donatello, Leonardo, at Raphael sa parehong chart o indicators, hindi ibig sabihin na lahat sila ay magkakaroon ng parehong ideya kung saan papunta ang presyo.Ang mahalaga ay maunawaan mo yung mga concept sa technical analysis para hindi ka labasan ng dugo sa ilong kapag may nag-uusap tungkol sa Fibonacci, Bollinger Bands, o pivot points.
Baka iniisip mo na ngayon, “Avah, ang gagaling ng mga to. Kaya nilang mag-bitaw ng malulutong na vocab tulad ng ‘Fibonacci’ at ‘Bollinger’. Di ko yata kaya itong matutunan!”

Kalma lang. Pag natapos mo ang School of Pipsology, magiging… uhmmm… “smart” ka rin tulad namin.