This article has been translated from English to Tagalog.
Noong nakaraang lesson, tinalakay natin kung paano mag-scale OUT ng trade. Ngayon, ipapakita namin sa'yo kung paano mag-scale IN sa isang trade.
Ang unang senaryo na tatalakayin natin ay tungkol sa pagdagdag ng positions kapag ang trade mo ay hindi pumapabor sa'yo.
Pagdaragdag ng mga units sa isang” losing” position ay medyo delikadong gawain at sa tingin namin, hindi ito dapat gawin ng mga baguhan pa lang sa trading.Kung ang trade mo ay malinaw na talo, eh bakit ka pa magdadagdag at mas lalo pang matatalo??? Hindi ba medyo walang sense yun?
Ngayon sinasabi namin na “medyo” lang dahil kung kaya mong magdagdag sa isang talo na position, at kung ang kombinasyon ng risk ng original position mo at ng bagong position ay pasok pa rin sa risk comfort level mo, eh pwede rin naman.
Para magawa ito, may mga set ng rules na kailangang sundin para maging safe ang trade adjustment na ito. Narito ang mga rules:- Ang stop loss ay kailangan at DAPAT sundin.
- Ang mga levels ng position entry ay dapat pre-planned bago pa man simulan ang trade.
- Position sizes ay dapat pre-calculated at ang total risk ng mga combined positions ay nananatiling nasa loob ng risk comfort level mo.
Example ng Trade
Tingnan natin ang isang simpleng trade example kung paano ito gawin:
Mula sa chart sa itaas, makikita natin na ang pair ay bumaba mula 1.3200, at pagkatapos ang market ay nagkaroon ng konting consolidation sa pagitan ng 1.2900 hanggang 1.3000 bago bumaba pa.
Pagkatapos mag-bottom out sa paligid ng 1.2700 hanggang 1.2800, ang pair ay bumalik sa area ng recent consolidation.Ngayon sabihin natin na iniisip mo na ang pair ay babalik sa downside, pero hindi ka kumpiyansa na pumili ng eksaktong turning point.
May ilang senaryo kung paano mo maaring pasukin ang trade:
Entry Option #1:
Short sa broken support-turned-resistance level ng 1.2900, ang ilalim ng consolidation level.
Ang downside ng pagpasok sa 1.2900 ay baka umakyat pa ang pair, at pwede kang makapasok sa mas magandang presyo.
Entry Option #2:
Maghintay hanggang ang pair ay umabot sa tuktok ng consolidation area, 1.3000, na isa ring psychologically significant level – potensyal na great resistance level.
Pero kung maghihintay ka na umabot ang market sa 1.3000, may risk na hindi na ito umabot doon at bumaba na ulit, at ma-miss mo ang pagbagsak pabalik sa downtrend.
Entry Option #3:
Puwedeng maghintay hanggang subukin ng pair ang potential resistance area, pagkatapos ay bumaba muli sa ilalim ng 1.2900 sa downtrend bago pumasok.
Ito marahil ang pinaka-conservative na laro dahil makakakuha ka ng kumpirmasyon na bumalik na ang mga sellers sa kontrol, pero miss mo rin ang pagkakataong makapasok sa downtrend sa mas magandang presyo.
Entry Option #4:
Ano'ng gagawin? Bakit hindi pumasok sa parehong 1.2900 at 1.3000? Puwede naman 'yan, diba? Sure naman! Basta't nasulat mo na ito bago ang trade at sundin ang plano!
Alamin ang Trade Invalidation Point (Stop Loss)
Alamin natin ang stop level natin. Para sa simpleng halimbawa, sabihin na lang natin na pinili mo ang 1.3100 bilang level na magpapaalam na mali ka at na ang market ay magpapatuloy pataas.
Diyan ka lalabas sa trade mo.
Alamin ang Entry Level(s)
Pangalawa, tukuyin natin ang entry levels natin. May support/resistance sa parehong 1.2900 at 1.3000, kaya magdadagdag ka ng positions doon.
May support/resistance sa parehong 1.2900 at 1.3000, kaya magdadagdag ka ng positions doon.
Alamin ang Position Size(s)
Pangatlo, tutukuyin natin ang tamang position sizes para manatili sa komportableng risk level.
Sabihin natin na meron kang $5,000 account at gusto mo lang mag-risk ng 2%. Ibig sabihin, komportable ka na mag-risk ng $100 ($5,000 account balance x 0.02 risk) sa trade na ito.
Trade Setup
Narito ang isang paraan para i-set up ang trade na ito:
Short 2,500 units ng EUR/USD sa 1.2900.
Ayon sa aming pip value calculator, ang 2,500 units ng EUR/USD ay nangangahulugang ang value mo kada pip movement ay $0.25.
Sa stop mo sa 1.3100, meron kang 200 pip stop sa position na ito, at kung maabot nito ang stop mo, ito ay $50 loss (value kada pip movement ($0.25) x stop loss (200 pips)).
Short 5,000 units ng EUR/USD sa 1.3000.
Muli, ayon sa aming pip value calculator, ang 5,000 units ng EUR/USD ay nangangahulugang ang value mo kada pip movement ay $0.50.
Sa iyong stop sa 1.3100, meron kang 100 pip stop sa position na ito, at kung maabot nito ang stop mo, ito ay $50 loss (value kada pip movement ($0.50) x stop loss (200 pips)).
Pagsamahin, ito ay $100 loss kung ikaw ay ma-stop out.
Medyo madali, diba?
Nakagawa tayo ng trade kung saan pwede tayong pumasok sa 1.2900, at kahit na umangat pa ang market at gumawa ng losing position, pwede tayong pumasok muli at manatiling ligtas sa loob ng normal risk parameters.
At kung sakaling ikaw ay nagtataka, ang kombinasyon ng dalawang trades ay lumilikha ng short position ng 7,500 units ng EUR/USD, na may average price na 1.2966, at isang stop loss spread ng 134 pips.Kung ang market ay bumagsak pagkatapos ma-trigger ang parehong positions, isang 1:1 reward-to-risk profit ($100) ay makakamit kung ang market ay umabot sa 1.2832 (1.2966(avg. entry level) – 134 pips (your stop)).
Dahil ang bulk ng position mo ay pumasok sa "better" na presyo ng 1.3000, hindi kailangang bumagsak nang malayo ang EUR/USD mula sa resistance area para makakuha ng magandang kita. Very nice!!!

