This article has been translated from English to Tagalog.
Safe haven currencies ay mga currency na inaasahan na manatili o tumaas ang halaga kapag parang magugunaw na ang mundo (geopolitical stress).
Ang U.S. dollar (USD), kasama ang Japanese yen (JPY) at Swiss franc (CHF) ay itinuturing na mga safe-haven currencies.
Kapag maraming uncertainty sa mundo, kadalasan ay may “flight to safety” sa isa o lahat ng mga currency na ito.
Ang isang safe haven currency ay madalas na lumalakas kapag nagkakaroon ng sell-off sa risk assets.

May dalawang pangunahing dahilan kung bakit ang isang currency ay tinutukoy bilang safe haven.
- Dapat may malaking halaga ng foreign currency assets ang bansa o rehiyon, ibig sabihin, puwede nilang ibenta ang mga foreign assets at ibalik ang pera sa bansa kapag tumaas ang volatility at mahina ang risk markets.
- Ang mga FX trader, na alam na tumaas ang halaga ng ilang currencies noong mga nakaraang panahon ng “risk off”, ay maaaring bumili ng mga currency na iyon sa pag-asang magre-react sila sa parehong paraan tulad ng dati.
U.S. Dollar
Ang lakas ng U.S. dollar ay isang indikasyon ng “risk off” sentiment.
Kung ang U.S. dollar (USD) ay mas malakas laban sa higher-yielding currencies, malamang hindi masaya ang mga merkado sa mga bagong labas na economic data o balita.
Kung iyon ang kaso, ang kanilang reaksyon ay hanapin ang safe haven ng U.S. dollar.
Ang mga foreign investor ay maaari ring naghahanap bumili ng U.S. Treasuries bilang isang safe haven, at para makabili ng mga iyon, kailangan mo ng USD.
Kung wala kang USD, kailangan mong bumili. Kapag maraming investors ang sabay-sabay na gumagawa nito, nagreresulta ito sa pagtaas ng USD.
Swiss Franc
Ang Swiss franc ay isa pang currency na itinuturing na safe haven currency.
Ang political stability, solidong fiscal at monetary policy, at matatag na ekonomiya ang dahilan kung bakit ang CHF ay isang safe haven currency na binabalikan ng mga international investors sa panahon ng krisis.
Kahit sa dami ng krisis na naganap sa nakaraan sa pandaigdigang financial markets, ang Switzerland ay palaging nananatiling matatag nang hindi masyadong nahihirapan.
Kung ang Swiss franc (CHF) ay mas malakas laban sa higher-yielding currencies, may kaguluhan sa merkado kahit saan, malamang sa Europe.
Kung iyon ang kaso, ang mga currency traders ay lilipat sa inaakalang kaligtasan ng CHF.
Ang ganitong galaw ng presyo mula sa CHF ay magpapakita ng “risk off” na kapaligiran.
Japanese Yen
Ang lakas ng Japanese yen ay isa pang indikasyon ng “risk off” sentiment.
Kung ang Japanese yen (JPY) ay mas malakas laban sa higher-yielding currencies, malamang hindi masaya ang mga merkado sa mga bagong labas na economic data o balita.
Lalo na kung ito ay data o balita na may kinalaman sa United States.
Kung iyon ang kaso, ang kanilang reaksyon ay hanapin ang safe haven ng Japanese yen.
Partikular na mga currency pair na dapat bantayan ay ang AUD/JPY at NZD/JPY dahil sa kanilang kasikatan bilang carry trades, na itinuturing na “risk on” na uri ng estratehiya.
Ang biglaang pag-drop sa AUD/JPY at NZD/JPY ay nagpapahiwatig ng risk aversion.
Kung magsimula ang pagtaas ng AUD/JPY at NZD/JPY, ito ay nagmumungkahi na ang risk sentiment ay lumipat pabalik sa “risk on”.
RORO
RORO ay nangangahulugang “Risk On, Risk Off” at naglalarawan ng market environment kung saan ang price behavior ay tumutugon at pinapatakbo ng pagbabago sa risk tolerance ng mga investors at traders.
Ayon sa RORO, ang mga safe haven currencies ay lalakas sa “risk off” periods.
Kabaligtaran, sa “risk on” periods, ang mga safe haven currencies ay bababa ang halaga kumpara sa mga commodity-based currencies tulad ng Australian dollar (AUD), New Zealand dollar (NZD), at Canadian dollar (CAD).
Ang ganitong mga galaw ay nagdudulot ng volatility sa currency markets.
