This article has been translated from English to Tagalog.
Risk aversion ay tumutukoy sa panahon kung kailan ang mga traders ay nagbabawas ng kanilang mga posisyon sa mga assets na may mas mataas na kita at inilipat ang kanilang kapital pabor sa mga safe-haven na currencies.
Kadalasan itong nangyayari sa panahon ng uncertainty at mataas na volatility.
Sa forex market, ang mga currency na may mas mataas na interest rates ay itinuturing na higher-yielding currencies.
Ang mga currency na ito ay nakikita bilang mas “risky” na assets.
Sa panahon ng risk aversion, ang mga traders ay may tendensiyang magbenta ng kanilang posisyon sa mga currency na ito at bumili ng mga “safe-haven” na currency.
Safe haven currencies ay mga currency na inaasahang mananatili o tataas ang halaga kapag parang magugunaw na ang mundo (geopolitical stress).
Ang U.S. dollar (USD), kasama ang Japanese yen (JPY) at Swiss franc (CHF) ay itinuturing na safe-haven currencies.
Kapag maraming uncertainty sa mundo, karaniwang may tinatawag na “flight to safety” sa isa o lahat ng mga currency na ito.
Ang mga currency na ito ay itinuturing na mas ligtas dahil sa laki ng kanilang malalaking capital markets at liquidity.