This article has been translated from English to Tagalog.

Risk appetite ay ang general level ng risk na kaya i-handle ng isang trader.

Isa itong sukatan kung gaano ka-“risk hungry” ang mga trader.

Kapag risk sentiment ay mataas at maganda ang panahon, lumalaki ang risk appetite at mas willing ang mga trader na bumili ng mga assets na may mas mataas na kita at/o posibleng mas volatile.

Risk Appetite

Sa financial market, ito ay karaniwang nangangahulugan na mas handa ang mga trader na bumili ng equities, commodities, crypto, at currencies na may mas mataas na interest rates.

Kapag mababa ang risk appetites ng mga trader, ang market ay itinuturing na “risk averse“.

Sa forex, ang risk aversion ay tumutukoy sa panahon na ibinabawas ng mga trader ang kanilang posisyon sa mga mas mataas na kita na currencies at inilipat ang kanilang kapital pabor sa safe-haven currencies.

Kadalasan itong nangyayari sa panahon ng kawalang-katiyakan at mataas na volatility, tinatawag na “risk off” environment.

Sa kabilang banda, ang mga panahon ng mataas na risk appetite ay nag-uudyok sa mga trader na kumuha ng risk, na lumilikha ng “risk on” environment.