This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Isa sa mga pinaka-popular na usapin tungkol sa trading ay kung gaano kalaki ang dapat na i-risk ng isang trader bawat trade.

Marami sa kanila ang sumusunod sa standard na 1% hanggang 2% habang ang mas agresibo paminsan-minsan ay nagrerekomenda ng pag-risk ng hanggang 5%.

Ang dapat mong maunawaan ay na ang pag-take ng risk ay hindi isang one-dimensional na gawain. Sure, may mga basic na rules ka na sinusunod, pero mas profitable pa rin in the long run kung ifa-factor mo ang personal mong preferences.

forex riskAng risk tolerance ay nagsasabi kung gaano ka ka-komportable sa posibleng pagkawala ng pera kapalit ng potensyal na kita.

Yung mga may stable na income o experience sa financial markets kadalasang mas agresibo, habang yung may iba pang financial obligations at limitadong trading experience ay kadalasang pinipili ang mas safe na daan papunta sa profitability.

Sa kasamaang-palad, hindi ito palaging kaso para sa forex traders.

Maraming newbies ang naaakit sa prospect ng mabilis at madaling kita, at dahil may limitadong trading experience sila, kadalasan nauuwi sila sa pag-take ng mas malaking risk kesa sa kaya nila.

Ang problema sa pag-risk ng mas maraming pera kesa sa komportable ka ay ang prospect ng pagkawala ay sisira sa trading mindset mo at pipigilan ka sa paggawa ng tamang trading decisions. Mag-eend up ka na ibabase ang decisions mo sa account balance mo kaysa sa training, proseso mo, at sa kung anong binibigay ng market sa iyo.

Halimbawa, ang mga demo trades mo ay nagpapakita na mas profitable ka kapag naglagay ka ng stops na 100 pips ang layo mula sa entry price mo. Pero dahil hindi ka komportable sa losses na hatid ng 100-pip stop, isinasara mo agad ang mga losing trades mo sa earliest opportunity.

Mapapabuntong-hininga ka na lang sa lamesa mo kapag bumaliktad ang presyo at pumabor sa'yo. Baka pa nga mag-take ka ng revenge trades at doblehin pa ang losses mo hanggang mablow ang account mo!

Paano mo malalaman kung gaano ka-agresibo dapat sa bawat trade? Narito ang ilang konsiderasyon:

Lifestyle

May stable source of income ka ba? Kung inaasahan mo ang regular na sweldo, malamang hindi ka masyadong maaapektuhan ng loss dito, loss diyan, at pwede kang mag-focus sa trading skills mo.

Pero kung inaasahan mo na ang trading profits mo ang magiging pangunahing source ng income mo o pambayad sa mga utang at ibang financial obligations, malamang maraming kang decisions na naka-base sa takot/greed at dapat kang manatili sa mas maliit na position sizes.

Trading capital

Magkano na ang na-invest mo sa iyong trading business? Ang mas malaking trading account ay kayang magsurvive ng mas malalaking positions per trade. Dahil dito, ang mga traders na may maliliit na accounts ay hindi dapat mag-trade ng standard o kahit mini lots na magti-trigger ng margin call sa pinakamaliit na volatility.

Time frame

Gaano katagal mo planong panatilihin ang trade mo? Sa pangkalahatan, mas maliit ang position sizes para sa longer-term trades, dahil kailangan nilang maka-survive sa mas maraming volatility.

Kung nasa day o swing trades ka naman, pwede mong i-level up nang kaunti ang average position sizes mo.

Experience

Kung matagal ka nang nagtratrade, mas magkakaroon ka ng kumpiyansa sa trading instincts at decisions mo.

Sa katunayan, ang pagtaas ng position size mo ay maaaring maging susunod mong hakbang sa pagpapabuti ng trading game mo. Pero kung bago ka pa lang sa hood at nagdedesisyon ka pa base sa emosyon, ang mas maliit na position sizes ay maaaring mas magandang opsyon.

Tandaan na walang isang formula para sa pag-risk. Pwede kang magbasa ng iba’t ibang libro at blog at magtanong sa ibang traders sa forums, pero sa huli, ang halaga ng irisk mo kada trade ay nakadepende sa sariling risk tolerance, sitwasyon, at kakayahan sa execution.

Puwede kang magsimula sa pag-risk ng 1% ng account mo bawat trade at tingnan kung paano ito gumagana para sa'yo. Bawasan ito kung napapansin mong mas iniisip mo ang balance mo kaysa sa kung paano mo inaexecute ang trading plan mo. Taasan ang average position size mo kung napapansin mong hindi sapat ang potensyal na kita para ma-motivate ka.

Baka hindi mo man ito napapansin, pero ang risk tolerance mo ay nakakaapekto sa bawat trading decision mo.

Maghanap ng happy balance na magdadala ng mahalagang pagbabago sa account mo at makapag-focus ka sa pagpapabuti ng trading skills mo sa parehong oras at sa huli, makakamit mo ang consistent profitability.