This article has been translated from English to Tagalog.
Sa trading, ang takot ay galing sa posibilidad na mawalan ng pera, na puwedeng mangyari anytime sa isang trader.
Normal lang naman ang makaramdam ng takot. Ang takot ay itinuturing na basic survival mechanism.
Kahit papaano, kung walang takot, hindi natin ma-re-recognize ang panganib at hindi tayo makakaresponde ng tama.
Ang problema sa takot ay kung hinahayaan nating takutin tayo ng perceived danger ng pag-stop out o pagkawala ng pera na magdesisyon tayo ng labag sa magandang trading habits at sa ating pre-determined trading plan.
Halimbawa, meron kang long na posisyon sa EUR/USD. Binili mo ito sa 1.0850, at ang presyo ay nasa 1.0835 na, so down ka ng 15 pips.
Ang stop mo ay nasa 1.0790, just below the support sa 1.0800. Sa puntong ito, sobrang kinakabahan ka at natatakot, lalo na dahil yung huli mong trade ay loss.
Simply put, naranasan mo ang takot.
Parang di mo na kaya at ayaw mo nang mawalan pa ng higit sa nawala na sayo.
Kinlose mo nang maaga.
Alam mo ba kung ano ang nangyari pagkatapos?
Support holds, and ang presyo biglang tumaas ilang oras pagkatapos. Ang takot mo ang nagdulot sa'yo na irasyonal na i-close ang valid, high-probability trade!
Kailangan mong makahanap ng paraan para gamitin itong negative emotion sa iyong advantage o gaya ng sinasabi ni Brett Steenbarger, author ng The Daily Trading Coach, – gawing kaibigan ang takot.
Dahil ang takot ay nagbababala na may mali sa trade mo, dapat mong alamin kung ano talaga ang problema. Tanungin ang sarili mo ng mga ganitong tanong:
- Bakit ako kinakabahan?
- Dahil lang ba natatakot akong matalo?
- O meron bang mga fundamental o technical factors na nagsasabi na dapat ko nang i-exit ang trade na ito?
Kapag natukoy mo na ang mga dahilan ng takot mo, magagamit mo ito para makagawa ng mas magandang trading decisions.
Kung kaya mong i-analyze ang root ng takot mo, puwede mong balikan ang trading plan mo, na makakatulong sa'yo magdesisyon kung ano ang gagawin sa sitwasyong iyon.
Balikan natin ang long EUR/USD trade na nabanggit ko kanina. Halimbawa, narinig mo ang balita na may mga miyembro ng ECB na sumusuporta sa maraming interest rate cuts ngayong taon. Dahil dito, hindi ka na komportable sa long euro position mo, kaya nakakaramdam ka ng takot.
Ngayon, may pagbabago sa fundamental landscape at mas mataas ang posibilidad na matalo ang trade, kaya mas mabuting i-exit ang trade mo kahit bago pa ito maabot ang stop mo.Kapag ang presyo ay bumagsak below support sa 1.0800 at sumubsob, mapapasabi ka sa sarili mong ang galing mo dahil na-acknowledge mo ang valid na pagbabago sa environment imbis na i-close ang trade mo dahil lang sa takot.
Para sa mga nangangailangan ng sariling checklist, eto ang TL;DR version:
1. Yakapin ang takot
Ang takot ay parte ng human nature at lahat naman tayo nararanasan ito, kaya yakapin ang takot at mag-focus sa pagharap dito.
2. Tukuyin ang pinagmumulan ng takot
Galing ba ang kakaibang pakiramdam sa tiyan mo sa valid reasons tulad ng break in support at pagbabago sa market sentiment, o dahil lang bangungot ka sa trade mo kagabi?
Matutong tukuyin ang magandang klaseng takot versus irasyonal na takot para makapag-focus ka sa pag-aksyon dito.
3. Gamitin ang takot para makagawa ng mas magagandang trading decisions
Kapag natukoy mo na ang pinagmumulan ng takot mo, gawin ang mga kinakailangang pagbabago sa trades mo. Sa ganitong paraan, na-turn mo ang takot mo sa isang area ng growth at improvement.
Sabi nga ni super trading coach Brett Steenbarger, “Confidence isn’t the absence of fear; it’s the knowledge that you can perform your best in the face of stress and uncertainty.”