This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Nagpapahinga ka ba sa markets ngayong holidays pero gusto mo pa ring ituloy ang trading progress mo?

Pwede mong i-spend ang time mo sa pag-level up ng trade psychology mo gamit ang roundup ko ng paboritong self-improvement books na makakatulong sa pagbuo ng solid trading mindset.

Tandaan na ang listahan na 'to ay sakop ang mas general na scope ng non-fiction books na makakatulong din sa ibang aspeto ng buhay bukod pa sa mga trading classics tulad ng Market Wizards, Trading in the Zone, o ang personal favorite ko, The Daily Trading Coach.

1. Sway: The Irresistible Pull of Irrational Behavior

Unang-una sa listahan ay isang nakakaaliw na basahin sa genre na ito na isinulat nina Ori at Rom Brafman. Ang Sway ay nag-eexplore ng mga issue na aware ang mga tao pero tila hindi maiiwasan o kaya’y hindi makaalis mula rito.

Dinidiscuss ng libro ang concepts tulad ng diagnostic bias, na kawalan ng kakayahang makita ang lampas pa sa unang hypothesis kahit na may ebidensya na laban dito, at ang chameleon effect, o ang ugali ng tao na tumanggap ng traits na in-assign sa kanila.

Ang mga traders ay pwedeng maging vulnerable sa mga particular na psychological pitfalls na ito na malakas makaapekto sa decision-making process. Bukod diyan, ang research at anecdotes ng libro ay tumatalakay din sa hidden motivators na related sa panganib at risk, na parehong regular na bahagi ng trading world.

2. The Art of Thinking Clearly

Ang librong ito ni Rolf Dobelli ay madaling basahin at pwede mong himayin sa maliliit na tidbits na nagtatampok ng 99 thinking errors na halos kahit sino ay posibleng kapitan.

Ang ilan sa mga pinaka-natatanging chapters ay kinabibilangan ng Why Watching and Waiting is Torture, How to Relieve People of Millions, at Don’t Take News Anchors Seriously.

Ang The Art of Thinking Clearly ay sumasaklaw din sa mas malawak na range ng karaniwang biases at cognitive errors na dapat alamin ng mga traders, tulad ng availability bias o pagbibigay ng halaga sa impormasyon na mas madaling makuha, hindsight bias o ang paniniwalang alam na natin ang mangyayari, at outcome bias o paghusga sa kalidad ng plano base sa resulta kaysa sa proseso ng pagdedesisyon nito.

3. Think Again: The Power of Knowing What You Don’t Know

Isinulat ng organizational psychology professor na si Adam Grant, isa rin ito sa top references ko pagdating sa pag-develop ng self-awareness bilang trader.

Pagkat nakakatulong ito na mapanatili ang kontrol sa sariling emosyon – mapa-negative o positive – para makagawa ng mas objective trading decisions.

Ang Think Again ay nakatuon sa kahalagahan ng pag-question at muling pag-iisip, hindi lang ng ating sariling notions, kundi pati na rin sa mga ipinapakita sa atin ng iba tulad ng isang authority figure o mga news source.

Binibigyang-diin din ng libro ang kahalagahan ng pagkakaroon ng growth mindset na naghahanap ng pagkakataong matuto ng bago, kahit na ito’y nangangahulugan ng pagbasag at pagpatunay na mali ang ating core beliefs.

4. High Performance Habits

Kailangan ba ng tulong sa pag-level up ng good trading habits mo?

Ang librong ito ni Brendon Burchard, isa sa pinakamataas na bayad na performance coaches sa mundo, ay isang helpful guide sa pagbuo ng science-backed at evidence-based systems na pwede kang gawing mas produktibo at goal-oriented na tao.

Base sa research ng author sa high performers mula sa 190 iba’t ibang bansa, ang mga sikreto ng kanilang tagumpay ay maaaring i-narrow down sa anim na karaniwang core traits: seeking clarity, generating energy, raising necessity, increasing productivity, developing influence, at demonstrating courage.

Ang mga actionable steps na ito ay maaaring susi sa pag-turn ng iyong to-do lists at regular na trading tasks sa mas intentional habits na maaring mag-translate sa consistency at profitability.

5. The Emotion Code

Last but certainly not least ay ang gem na ito ni holistic physician Dr. Bradley Nelson na nag-eexplore sa inner workings ng subconscious mind.

Bagaman maaaring medyo metaphysical ito para sa ilan, ang The Emotion Code ay pwede mong ituring na personal na private therapist sa iyong bookshelf (o e-book reader), dahil naglalaman ito ng simpleng exercises na makakatulong sa pag-explore ng mga nakaraan traumas na maaaring nakakaapekto sa iyong trading decisions o buhay sa pangkalahatan.

Sa pag-subok na i-unlock at maintindihan ang mga “trapped energies” na maaaring nakakaapekto sa iyong mental state, layunin ng author na magdala ng kalinawan sa kung paano ka mag-isip.

Sa ganitong paraan, maaari kang maging mas kritikal sa mga unang negative reactions sa halip na hayaan ang mga ito na magdikta sa iyong overall behavior. Mukhang useful ito para sa pagharap sa market surprises at trading losses, 'di ba?

May iba ka pa bang psychology o self-improvement books na nais mong idagdag sa reading list na ito?