This article has been translated from English to Tagalog.
Puwede kang sobrang motivated mag-trade, mayaman sa capital, at may dummy-proof na trading system, pero pwede ka pa rin malugi kung hindi ka nakaka-focus.
Naranasan mo na bang mahirapan magtrabaho sa mataong Starbucks o mag-aral sa maingay na library?
Ang dali lang mag-focus kapag nasa tahimik na kwarto tayo o kapag kalmado ang pakiramdam natin, pero kadalasan magulo ang market, at nakakastress ang trading.
Kapag hindi ka fully focused sa open positions at trading strategies mo, pwedeng pumasok ang self-doubt sa isip mo. Baka magdalawang-isip ka at masira pa trading efforts mo.
Mas kaya mong mag-focus sa ongoing experience mo, mas effortless at skillful ka makakapag-trade.
Pero paano nga ba mas madaling makapag-concentrate?
1. Alagaan ang iyong kalusugan
Una, tandaan mo na kailangan ng psychological energy ang concentration, at may limit ang supply ng enerhiyang ito. Para manatiling focused, dapat well-rested at relaxed ka.
Kumuha ng tamang tulog at nutrition. Kung pagod o gutom ka, hindi mo mafo-focus ang isipan mo sa trading.
2. Maging mindful sa stress levels mo
Mahalaga ang pagiging conscious sa stress levels mo, dahil pwede nitong maubos ang psychological energy mo.
Ang pinakamainam na paraan para limitahan ang stress ay sa pamamagitan ng risk management. Kung alam mong ginagawa mo ang best mo para i-minimize ang potential losses, mas magiging kampante ka at mas mafo-focus mo ang atensyon mo sa trading.
3. I-optimize ang trading space mo
Ngayon, ito ay partikular na applicable sa mga nagte-trade mula sa bahay. Kahit nagsisimula ka pa lang, kailangan mong mag-invest sa isang space na hindi ka nagte-trade mula sa kama mo o sa parehong dining table na pinagtapunan ng spaghetti ng mga bata mo.Dahil haharapin mo ang parehong markets na kinakalaban ng mga office traders, kailangan mong mag-establish ng OFFICE space.
Siguraduhin mong walang masyadong distractions at may mabilis na internet connection ka at sapat na monitors para mapanood ang charts at ma-track ang news.
Mahalaga ang concentration para sa profitable trading. Mas concentrated ka, mas mararamdaman mong in control ka.
Kapag nararamdaman mong synced ang katawan at isipan mo sa markets, malamang mas madali mong ma-trade nang consistent at profitable.