This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

With a shortened yet jampacked trading week ahead, naku, there's likely to be a higher degree of uncertainty swirling in the financial markets in the next few days.

forex uncertaintyPara kang nag-aalaga ng exotic pet na gising 24 hours a day, ang forex market medyo may pagka-irrational at cranky. Konting galaw lang, bigla na lang nagiging hyper at unpredictable ang mga galawan!

Anong magagawa mo para hindi ka matakot at lamunin ng uncertainty? Sa karanasan ko, laban sa uncertainty at para lampasan ang takot kailangan lang ng dalawang bagay:

1. Acceptance

Walang mas simpleng makapagpapaliwanag nito kundi si Ray Dalio (founder ng Bridgewater Associates, isa sa pinakamalalaking hedge funds sa buong mundo) nang sinabi niya tungkol sa market speculation na, “No matter how hard you work, you can still be wrong.

Kahit na may 35+ years of experience na siya sa markets at nakikipagtrabaho sa pinakamagagaling na tao at trading tools, sinasabi pa rin niya na walang perfect pill o holy grail sa trading at investing.

Kung iniisip mo na sobrang galing mo na sa analysis o makakahanap ka ng perfect formula para sa flawless trading record, guess again!

Ang realidad ay maliban na lang kung may crystal ball ka, di mo mahuhulaan lahat ng market moves at ang mech system mo di rin makakaya isama lahat ng variables.

Oo, you WILL have losing trades at kung hindi mo matatanggap na kahit anong gawin mo, di mo malalaman lahat ng susunod na mangyayari, e baka di mo kayanin ang mabilis na pagbabago ng kondisyon.

Iba-iba ang tao, kaya ang catalyst para sa paradigm shift papunta sa acceptance ay dumarating sa iba't-ibang sandali para sa bawat isa sa atin. Pero, sigurado ka na dumarating yan kadalasan pagkatapos ng maraming trades at experience…

2. Preparation

Ang pangalawang hakbang para mabawasan ang risk ng unknown ay maging handa. Serious business requires serious planning.

Halimbawa, would a doctor just say, “Well, I think you have a bad heart. I’ll just cut open and poke around a bit to see what I can find. Just lay back, relax and don’t worry. I’ve done this a million times…

Kung gusto ng doktor ng lawsuits, baka pwede niyang isuggest ang plan of action na ‘yan.

Pero kahit ang doktor na may matagal na karanasan ay magsasagawa ng maraming tests at kung kinakailangan, maghahanda ng team ng highly skilled professionals para sa open heart surgery at maging handa sa anumang unforeseen complications.

Kagaya ng surgery, seryosong negosyo din ang trading. Kahit may unpredictable factors palagi, ang uncertainty ay mababawasan nang malaki sa pamamagitan ng tamang paghahanda.

Ang paglaan ng oras para mag-aral at kontrolin ang kaya mong kontrolin (halimbawa, sentiment at upcoming news, potential market reactions, ang max loss mo) ay nakapagpapababa ng marami sa uncertainty kasi napaghandaan mo na ang “worst case” scenario.

Kung alam mo na ang magiging outcome ng trade mo kahit pa umakyat, bumaba o pumirme lang ang market, paano ka pa matatakot?

Ang acceptance at preparation ay tunog madaling sagot para malampasan ang emotions na dulot ng unknown, pero siyempre mas madaling sabihin kaysa gawin.

Ang una ay maaaring laban sa belief system na malalim na nakabaon sa atin: may logical na dahilan para sa lahat. Kaya iniisip natin, “If I work hard and find the reasons that moved the market, I can use it as an edge.

Sigurado akong naranasan mo na, ang markets ay puwedeng maging illogical at manatiling illogical nang mas matagal kaysa sa kaya mong manatiling solvent.

Ang pangalawang solusyon, ang paghahanda, ay talagang nangangailangan ng trabaho. Parang chef na gumigising ng 4 am para mag-prepare sa mahabang araw sa restaurant, kailangan mong i-invest ang oras sa charts, economic reading, at/o system research at testing para maging handa sa anumang ibabato ng market sa'yo—araw-araw.

Pero wag mag-alala, kung makakasurvive ka sa larong ito nang matagal, ang uncertainty ay malalampasan sa pamamagitan ng experience.

Keep your head up lang kapag nadapa ka, focus on developing good trading habits (hindi profits), at di magtatagal sasabihin mo rin, “Uncertainty? What uncertainty?”