This article has been translated from English to Tagalog.
Gaano kalaki dapat ang position mo?
Madali lang 'to. Kailangan mong mag-decide, base sa iyong risk management rules sa iyong forex trading plan, kung ano ang magiging position size mo.
Dito mo malalaman ang maximum risk mo.

Gaano ka handa mag-risk kada trade?
1%?
2%?
5%?
10%?!
20%?!!!!
O balak mo bang isangla ang buong farm?!!!!!
Oo tama ka. Sige, gawin mo. Isangla ang farm.
Huwag ka tanga!
Huwag isangla ang farm!

Hindi ka ba nakikinig?!
Gusto mong maging trader, hindi gambler!
At maliban na lang kung tunay kang magsasaka, malamang wala ka ngang farm.
Importante ang position sizing kasi pinapanatili nitong healthy ang account mo at ready para sa susunod na opportunity.Importante rin na malaman mo kung gaano kalaki o kaliit ang pag-trade mo.
Sa pamamagitan ng pag-track ng position size sa iyong journal, makikita mo kung comfortable ka bang mag-trade ng malalaking position sizes.O kung mas trip mo ang mas maliit na lot sizes habang gumagamit ng mas malawak na stops.
Swerteng suwerte ka, may regalo kami!
Sa aming Tools section, meron kaming Position Size Calculator para tulungan kang mag-compute at alamin ang tamang bilang ng units na dapat mong i-trade!
Ang saya di ba?
