This article has been translated from English to Tagalog.
Katulad ng normal mong support and resistance levels, hindi rin magtatagal ang mga pivot point levels.
Ang paggamit ng pivot points para sa range trading ay gumagana, pero hindi lagi. Sa mga pagkakataon na hindi mag-hold ang mga levels na ito, dapat mayroon kang mga tools sa iyong forex toolbox para ma-take advantage ang sitwasyon!
Gaya ng pinakita namin kanina, may dalawang pangunahing paraan sa pag-trade ng breakouts: ang aggressive way o ang safe way.Alinmang paraan ay okay lang. Laging tandaan na kung pipiliin mo ang safe way, na nangangahulugang maghihintay ka ng retest ng support o resistance, maaaring mamiss mo ang initial move.
Paggamit ng Pivot Points para Mag-trade ng Potential Breakouts
Tingnan natin ang isang chart para makakita ng potential breakout trades gamit ang pivot points. Nasa baba ang 15-minute chart ng EUR/USD.
Dito makikita natin na ang EUR/USD ay gumawa ng malakas na rally sa buong araw.
Makikita natin na EUR/USD ay nagbukas sa pamamagitan ng pag-gap up sa itaas ng pivot point. Ang presyo ay gumawa ng malakas na pag-akyat, bago pansamantalang huminto sa R1.Sa huli, nag-break ang resistance at ang pair ay tumaas ng 50 pips!
Kung kinuha mo ang aggressive method, nahuli mo ang initial move at para kang nanalo sa World Cup.
Sa kabilang banda, kung kinuha mo ang safe way at naghintay ng retest, isa kang malungkot na maliit na trader. Hindi nag-retest ang presyo pagkatapos mag-break ng R1. Sa katunayan, nangyari rin ito sa parehong R1 at R2!
Mapapansin na sinubukan ng EUR/USD bulls na makatawid sa R3.
Gayunpaman, kung ginamit mo ang aggressive method, nahuli ka sa fakeout dahil nabigo ang presyo na panatilihin ang initial break. Kung masyadong tight ang stop mo, matitigilan ka.
Sa bandang huli makikita mo na nag-breakthrough ang presyo. Pansinin na nagkaroon din ng retest sa broken resistance line.
Observe din kung paano noong bumaligtad ang pair sa huli ng araw at nag-breakdown sa R3. Nagkaroon ng pagkakataon na mag-short sa retest ng resistance-turned-support-turned resistance (basahin ulit 'yan kung kailangan mo!).
“Role Reversal”
Tandaan na, kapag nag-break ang support levels, karaniwan itong nagiging resistance levels.
Itong konsepto ng “role reversal” ay naaangkop din sa mga broken resistance levels na nagiging support levels. Magandang pagkakataon ito para kunin ang “I think I’ll play it safe” method.
Saan mo ilalagay ang stops at paano pumili ng targets sa breakouts?
Isa sa mga mahihirap sa pagkuha ng breakout trades ay ang pagpili ng spot para ilagay ang iyong stop.
Hindi tulad ng range trading kung saan naghahanap ka ng breaks ng pivot point support at resistance levels, naghahanap ka ng malalakas at mabilis na galaw.
Kapag nag-break ang isang level, sa teorya, malamang na ang level na iyon ay magiging “support-turned-resistance” o “resistance-turned-support.” Muli, ito ay tinatawag na role reversal… dahil binaligtad ang roles.
Kung ikaw ay maglo-long at nag-break ang presyo sa R1, maaari mong ilagay ang iyong stop just below R1.
Balikan natin ang EUR/USD chart para makita kung saan mo ilalagay ang stops mo.
Pagdating sa pag-set ng targets, karaniwan kang mag-a-aim para sa susunod na pivot point support o resistance level bilang iyong take profit point.
Napakabihirang mangyari na ang presyo ay mag-break past sa lahat ng pivot point levels maliban kung may malaking economic event o surpresa ng balita.
Balikan natin ang EUR/USD chart para makita kung saan mo ilalagay ang mga stops at take profit.
Sa halimbawang ito, kapag nakita mong nag-break ang presyo sa R1, ilalagay mo ang iyong stop just below R1.
Kung naniniwala ka na magtutuloy-tuloy ang pag-akyat ng presyo, maaari mong panatilihin ang iyong posisyon at ilipat ang iyong stop manually upang makita kung magtutuloy ang galaw.Kailangan mong mag-obserba ng maigi at mag-adjust nang naaayon. Matutunan mo pa ang tungkol dito sa mga susunod na aralin.
Tulad ng anumang method o indicator, kailangan mong maging aware sa risks ng pagkuha ng breakout trades.
Una sa lahat, wala kang ideya kung magtutuloy-tuloy ang galaw. Maaari kang pumasok sa pag-aakalang patuloy na tataas ang presyo, pero sa halip, mahuli mo ang isang tuktok o ilalim, na nangangahulugang na-fake out ka!
Pangalawa, hindi mo malalaman kung ito ba ay tunay na breakout o basta mga wild moves na sanhi ng paglabas ng mahalagang balita.
Ang mga spike sa volatility ay pangkaraniwan sa mga news events, kaya siguraduhin na updated ka sa mga breaking news at alam mo kung ano ang nasa economic calendar para sa araw o linggo.
Sa huli, tulad din ng sa range trading, pinakamainam na isama ang iba pang key support at resistance levels.Maaaring iniisip mo na nag-be-break ang R1, pero hindi mo napansin ang isang malakas na resistance level na lampas lang sa R1.
Maaaring mag-break ang presyo sa R1, subukan ang resistance at bumaba lang pabalik.
Dapat mong gamitin ang iyong forex knowledge ng support at resistance, candlestick patterns, at momentum indicators para makatulong sa iyo na magbigay ng mas malakas na signals kung ang break ba ay totoo o hindi.

