This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Ang pivot points ay isang popular na tool sa technical analysis na ginagamit ng mga trader para alamin ang potential support at resistance levels sa merkado.

Nakatutulong din ito sa mga trader para makagawa ng matalinong desisyon sa pagpasok at paglabas sa mga trades, pag-set ng stop-loss orders, at pag-establish ng profit targets.

Ang pivot points ay karaniwang kinukuwenta base sa high, low, at closing prices ng isang currency pair sa nakaraang trading period.

May apat na pangunahing paraan para makuwenta ang pivot points:

  1. Standard
  2. Woodie
  3. Camarilla
  4. Fibonacci.

Pivot Point Trading Tips

Heto ang ilang tips na madaling tandaan para makatulong sa iyong pivot point trading decisions:

Super useful ang pivots sa forex dahil madalas na nagpa-fluctuate ang maraming currency pairs sa mga levels na ito. Kadalasan, ang presyo ay gumagalaw sa pagitan ng R1 at S1.

Puwede mong gamitin ang mga pivot points na ito bilang potential areas kung saan puwedeng mangyari ang price reversals o continuations.

Ibig sabihin, magagamit ng range, breakout, at trend traders ang pivot points.

  • Range-bound traders ay naglalagay ng buy order malapit sa identified levels ng support at sell order kapag malapit na ang pair sa resistance.
  • Ang pivot points ay nagbibigay-daan din sa mga breakout traders na matukoy ang mga key levels na kailangang mabasag para masabing may malakas na momentum move.
  • Ang sentiment (o trend) traders ay gumagamit ng pivot points para makatulong sa pag-determina ng bullishness o bearishness ng isang currency pair.

Ang simplicity ng pivot points ay talagang nakakadagdag sa trading toolbox mo.

Nakikita mo agad ang mga posibleng lugar na maaaring magdulot ng price movement.

Mas magiging in sync ka sa galaw ng merkado at makakagawa ng mas magagandang trading decisions.

Mahalagang tandaan na ang pivot points ay isa lang sa maraming tools sa technical analysis na available. Ang paggamit ng pivot point analysis lang ay hindi laging sapat.

Matutunan mong gamitin ang pivot points kasabay ng iba pang technical analysis tools gaya ng candlestick patterns, MACD crossover, moving averages crossovers, ang Stochastic, RSI, etc.

Mas maraming confirmation, mas mataas ang probability ng isang successful trade!