This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Ang standard method sa pag-calculate ng pivot points ay HINDI lang ang tanging paraan para mag-compute ng pivot points.

Parang hindi naman listening to BTS ang only way para makinig ng K-pop. (Hello Blinks! Annyeonghaseyo!)

May mga traders na nag-try mag-improve ng original na pivot point kaya ngayon may iba pang paraan para mag-calculate ng pivot points.

Sa lesson na ito, pag-uusapan natin ang mga ibang methods na ito, at bibigyan ka namin ng formulas kung paano mag-compute ng mga levels na ito.

Woodie Pivot Point

R2 = PP + High – Low

R1 = (2 X PP) – Low

PP = (H + L + 2C) / 4

S1 = (2 X PP) – High

S2 = PP – High + Low

C – Closing Price, H – High, L – Low

Sa mga formulas sa taas, mapapansin mo na ang pag-calculate ng pivot point ay iba sa standard method.

Para makuha ang corresponding support at resistance levels, gamitin mo ang difference ng previous day’s high at low, na kilala rin bilang range.

Hetong chart example ng Woodie pivot point calculation na inapply sa EURUSD.

Ang Woodie pivot point, support levels, at resistance levels ay mga solid lines habang ang dotted lines ay ang levels na kinumpute gamit ang standard method.

Woodie Pivot Point

Dahil may iba silang formula, ang levels na nakuha sa Woodie calculations ay iba talaga sa nakuha sa standard method.

May ibang traders na mas gusto gamitin ang Woodie formulas dahil mas may bigat ito sa closing price ng previous period.

Ang iba naman mas gusto ang standard formulas dahil maraming traders ang gumagamit nito kaya nagiging self-fulfilling.

Anuman ang trip mo, tandaan na ang resistance ay nagiging support (at vice versa), kung pipiliin mong gamitin ang Woodie formulas, bantayan mo ang mga levels na ito dahil posibleng maging areas of interest. Kung ano ang trip mo!

Camarilla Pivot Point

R4 = C + ((H-L) x 1.5000)

R3 = C + ((H-L) x 1.2500)

R2 = C + ((H-L) x 1.1666)

R1 = C + ((H-L) x 1.0833)

PP = (H + L + C) / 3

S1 = C – ((H-L) x 1.0833)

S2 = C – ((H-L) x 1.1666)

S3 = C – ((H-L) x 1.2500)

S4 = C – ((H-L) x 1.5000)

C – Closing Price, H – High, L – Low

Ang Camarilla formulas ay parang Woodie formula din. Ginagamit din nila ang previous day’s close at range para makuha ang support at resistance levels.

Ang kaibahan lang ay kailangan mong mag-calculate ng 8 major levels (4 resistance at 4 support), at bawat isa sa mga levels na ito ay dapat i-multiply by a multiplier.

Ang main concept ng Camarilla pivot points ay base sa idea na ang price ay may natural tendency na bumalik sa mean (familiar ba?), o sa kaso na ito, ang previous day’s close.

Ang idea ay dapat kang bumili o magbenta kapag ang price ay umabot sa either third support o resistance level.

Pero, kung ang price ay lumusot sa S4 or R4, ibig sabihin malakas ang intraday trend, at panahon na para sumakay ka diyan!

Tingnan mo paano nagbigay ng ibang levels ang Camarilla calculation (solid lines) kumpara sa standard method’s levels (dotted lines)!

Camarilla Pivot Point

As you can see sa chart sa taas, mas nabibigyan ng emphasis ang closing price kumpara sa pivot point.

Dahil dito, posible na ang resistance levels ay nasa ilalim ng pivot point o ang support levels ay nasa ibabaw nito.

Nakikita mo paano lahat ng support at resistance levels ay nasa ibabaw ng Camarilla pivot point?

Fibonacci Pivot Point

R3 = PP + ((High – Low) x 1.000)

R2 = PP + ((High – Low) x .618)

R1 = PP + ((High – Low) x .382)

PP = (H + L + C) / 3

S1 = PP – ((High – Low) x .382)

S2 = PP – ((High – Low) x .618)

S3 = PP – ((High – Low) x 1.000)

C – Closing Price, H – High, L – Low

Ang Fibonacci pivot point levels ay natutukoy sa pamamagitan ng pag-calculate muna ng pivot point na parang ginagawa mo sa standard method.

Next, i-multiply mo ang previous day’s range sa kanyang corresponding Fibonacci level. Karamihan sa mga traders ay gumagamit ng 38.2%, 61.8% at 100% retracements sa kanilang calculations.

Finally, idagdag o ibawas ang mga figures na nakuha mo sa pivot point at voila, meron ka nang Fibonacci pivot point levels!

Tingnan mo ang chart sa ibaba para makita paano ang levels na kinumpute sa Fibonacci method (solid lines) ay iba mula sa kinumpute sa standard method (dotted lines).

Fibonacci Pivot Point

Ang logic sa likod nito ay maraming traders ang mahilig gumamit ng Fibonacci ratios. Ginagamit ito para sa retracement levels, moving averages, etc.

Bakit hindi ito gamitin para sa pivot points din?

Tandaan na ang parehong Fibonacci at pivot point levels ay ginagamit para makahanap ng support at resistance.

Dahil maraming traders ang tumitingin sa mga levels na ito, maaari silang maging self-fulfilling.

Aling pivot point method ang pinakamaganda?

Ang katotohanan ay, katulad ng lahat ng variations ng iba pang indicators na natutunan mo, walang isang best method.

Depende talaga ito sa kung paano mo pinagsasama ang kaalaman mo sa pivot points sa iba pang tools sa trading toolbox mo.

Alam mo lang na karamihan sa mga charting software na nag-a-automatic calculations ay karaniwang gumagamit ng standard method sa pag-calculate ng pivot point levels.

Pero ngayon alam mo na kung paano mag-calculate ng levels na ito on your own, pwede mong subukan lahat sila at tingnan kung alin ang pinaka-effective para sa'yo. Pivot away!