This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Ano ang forex trading?

Ang forex (also known as FX or foreign exchange) market ay isang global na merkado kung saan ang mga bangko, institutions, at mga tao ay nagtataya sa palitan ng rates ng fiat currencies.

Ang forex market ang pinaka-malaking financial market sa buong mundo.

Paano ba gumagana ang forex trading?

Bilang isang forex trader, ika’y nagtataya kung ang halaga ng isang currency ay tataas o bababa laban sa ibang currency.

Kaya ang “forex trading” ay maaari nating tawagin na proseso ng pagtataya sa presyo ng currency para magkumita.

Ang value ng isang currency ay naaapektuhan ng economic, political, geopolitical events, at trade at financial flows.

Simple lang mag-place ng trade sa foreign exchange market.

Ang mechanics ng trade ay katulad lamang ng sa iba pang financial markets (gaya ng stock market), kaya kung may experience ka na sa trading, madali mo itong makukuha.

How To Make Money Trading Forex

At kung wala ka pa, matutunan mo pa rin ito…. basta tapusin mo ang School of Pipsology, ang aming forex trading course!

Ang layunin ng forex trading ay magpalit ng isang currency sa iba sa pag-asang ang presyo ay magbabago.

Mas specific, ang currency na iyong binili ay tataas ang halaga kumpara sa iyong binenta.

Hetong isang example:

Trader’s Action EUR USD
Bibili ka ng 10,000 euros sa EUR/USD exchange rate na 1.1800 +10,000 -11,800*
Pagkalipas ng dalawang linggo, ipapalit mo ulit ang 10,000 euros sa U.S. dollars sa exchange rate na 1.2500 -10,000 +12,500**
Ikaw ay kumita ng $700 0 +700

*EUR 10,000 x 1.18 = US $11,800
** EUR 10,000 x 1.25 = US $12,500

Ang exchange rate ay ang simpleng ratio ng halaga ng isang currency laban sa isa pang currency.

Halimbawa, ang USD/CHF exchange rate ay nagpapakita kung gaano karaming U.S. dollars ang kailangan para bumili ng isang Swiss franc, o kung gaano karaming Swiss francs ang kinakailangan para bumili ng isang U.S. dollar.

Paano basahin ang isang Forex Quote

Laging nasa pares ang quotes para sa currencies, gaya ng GBP/USD o USD/JPY.

Ang dahilan ito ay laging quoted in pairs ay dahil sa bawat foreign exchange transaction, bumibili ka ng isang currency habang nagbebenta ng iba pang currency.

Paano mo malalaman kung alin ang binibili at alin ang binebenta?

Ang ganda ng tanong mo! Dito pumapasok ang konsepto ng base at quote currencies…

Base at Quote Currency

Kada bukas ng open position sa forex trading, ikaw ay nagpapalitan ng isang currency para sa iba.

Ang mga currencies ay kinukwenta sa kaugnayan sa ibang currencies.

Hetong isang example ng foreign exchange rate para sa British pound laban sa U.S. dollar:

GBP/USD forex quote
Ang unang listed currency sa kaliwa ng slash (“/”) ay tinatawag na base currency (sa example na ito, ang British pound).

Ang base currency ay ang reference elemento para sa exchange rate ng currency pair. Laging may value ito na isa.

Ang pangalawang listed currency sa kanan ay tinatawag na counter o quote currency (sa example na ito, ang U.S. dollar).

Kapag bumibili, ang exchange rate ay nagsasabi kung gaano karami ang babayaran mo sa units ng quote currency para bumili ng ISA unit ng base currency.

Sa example sa itaas, kailangan mong magbayad ng 1.21228 U.S. dollars para bumili ng 1 British pound.

Kapag nagbebenta, ang exchange rate ay nagsasabi kung gaano karaming units ng quote currency ang iyong makukuha sa pagbebenta ng ISA unit ng base currency.

Sa example sa itaas, makakakuha ka ng 1.21228 U.S. dollars kapag nagbenta ka ng 1 British pound.

Ang exchange rate o “presyo” ay nangangahulugang kung gaano karami sa quote currency ang kailangan para magkaroon ka ng isang unit ng base currency

Kapag bumili ka ng EUR/USD ito’y nangangahulugang bumibili ka ng base currency at sabay nagbebenta ng quote currency.

Sa usapang caveman, “buy EUR, sell USD.”

  • Magbu-buy ka ng pair kung naniniwala kang ang base currency ay aangat (gain value) kaugnay sa quote currency.
  • Magse-sell ka ng pair kung inaakala mong ang base currency ay bababa (lose value) kumpara sa quote currency.

Sa dami ng currency pairs na pwedeng i-trade, paano alam ng forex brokers kung anong currency ang ililista bilang base currency at quote currency?

Sa kabutihang palad, ang paraan ng pagkukwento ng currency pairs sa forex market ay standardized.

Siguro napansin mo na ang currencies na kino-quote na currency pair ay kadalasang pinag-iisa ng slash (“/”) character.

Basta’t malaman na ito ay bagay lamang ng preference at ang slash ay pwedeng hindi ilagay o palitan ng period, dash, o walang anumang karakter.

Halimbawa, may mangilang traders na naga-type ng “EUR/USD” bilang “EUR-USD” o “EURUSD” lang. Lahat ng iyan pare-parehong ibig sabihin.

“Long” at “Short”

Ikaw ba’y long o short?

How Trading Forex WorksUna, dapat mong tukuyin kung nais mong bumili o magbenta.

Kung nais mong bumili (na talagang nangangahulugang bumili ng base currency at magbenta ng quote currency), nais mo ang base currency ay tumaas ang value at saka mo ito ibebenta muli sa mas mataas na presyo.

Sa usapang trader, ito ay tinatawag na “pagiging long” o pagkakaroon ng “long position.” Tandaan lang: long = buy.

Kapag nag-open ka na ng long position, maari mo nang sabihin, “I’m long.”

Kung nais mong magbenta (na talagang nangangahulugang magbenta ng base currency at bumili ng quote currency), nais mo ang base currency ay bumaba ang value at saka mo ito bibilhin pabalik sa mas mababang presyo.

Tinatawag itong “pagiging short” o pagkakaroon ng “short position”.

Tandaan: short = sell.

Kapag nag-open ka na ng short position, maari mo nang sabihin, “I’m short.”

How to make money trading forex by going long and short at the same time.

“I’m long AND short.”

Flat o Square

Kung wala kang open position, sasabihin na ikaw ay “flat” o “square”.

Ang pagsara ng posisyon ay tinatawag ding “squaring up“.

Forex Square Trade

“I’m square.”

Ang Bid, Ask at Spread

Ang lahat ng forex quotes ay may dalawang presyo: ang bid at ask.

Karaniwan, ang bid ay mas mababa kaysa ask price.

EUR/USD forex quote

Ano ang “Bid”?

Ang bid ay ang presyo kung saan ang iyong broker ay handang bumili ng base currency kapalit ng quote currency.

Ibig sabihin ang bid ay ang pinakamagandang presyong available kung saan maaari kang magbenta sa market.

Kung nais mong magbenta ng anumang bagay, ang broker ang bibili nito sa’yo sa bid price.

Ano ang “Ask”?

Ang ask ay ang presyo kung saan ang iyong broker ay magbebenta ng base currency kapalit ng quote currency.

Ibig sabihin ang ask price ang pinakamagandang available na presyo kung saan maaari kang bumili mula sa market.

Isang ibang salita para sa ask ay ang offer price.

Kung nais mong bumili ng kahit ano, ang broker ang magbebenta (o mag-ooffer) nito sa iyo sa ask price.

Ano ang “Spread”?

Ang pagkakaiba sa pagitan ng bid at ask price ay kilala bilang SPREAD.

Sa EUR/USD quote sa itaas, ang bid price ay 1.34568 at ang ask price ay 1.34588. Tingnan mo kung paanong pinapadali ng broker na ito para sayo ang pagte-trade ng iyong pera.

  • Kung nais mong magbenta ng EUR, i-click ang “Sell” at magbebenta ka ng euros sa 1.34568.
  • Kung nais mong bumili ng EUR, i-click ang “Buy” at bibili ka ng euros sa 1.34588.

Hetong illustration na isinama ang lahat ng pinagusapan natin sa leksiyong ito:

Bid, Ask and Spread Example in Forex Trading

Ngayon, tignan natin ang ilang mga halimbawa.