This article has been translated from English to Tagalog.
Sa Forex, karaniwan itong kinakalakal sa mga tiyak na dami na tinatawag na lots, o basically yung dami ng currency units na bibilhin o ibebenta mo.
Ang "lot" ay isang unit na sumusukat sa halaga ng transaksyon.
Kapag naglalagay ka ng orders sa trading platform mo, ang mga orders ay pumapasok sa sizes na nakasaad sa lots.
Parang isang egg carton (o egg box sa British English).

Kapag bumili ka ng itlog, kadalasan ay bumibili ka ng isang karton (o kahon). Ang isang karton ay naglalaman ng 12 itlog.
Ang standard na laki para sa isang lot ay 100,000 units ng currency, at ngayon, may mini, micro, at nano na lot sizes na 10,000, 1,000, at 100 units.
| Lot | Number of Units |
|---|---|
| Standard | 100,000 |
| Mini | 10,000 |
| Micro | 1,000 |
| Nano | 100 |
Yung ibang brokers, 'pinapakita ang quantity sa “lots", habang ang iba naman, 'pinapakita yung actual na currency units.
Alam mo na yata, ang pagbabago sa value ng currency kumpara sa isa ay sinusukat sa “pips,” na sadyang maliit na porsyento ng value ng unit ng currency.Para makinabang sa kunti lang na pagbabago ng value, kailangan mo magsugal ng malalaking halaga ng partikular na currency para makakita ng significant na profit o loss.
Kunyari gagamit tayo ng 100,000-unit (standard) na lot size. Nire-recalculate natin ang ilang examples para makita paano ito nakaapekto sa pip value.
- USD/JPY sa exchange rate na 119.80: (.01 / 119.80) x 100,000 = $8.34 per pip
- USD/CHF sa exchange rate na 1.4555: (.0001 / 1.4555) x 100,000 = $6.87 per pip
Pag hindi nauna ang U.S. dollar, medyo iba ang formula para sa pip value.
- EUR/USD sa exchange rate na 1.1930: (.0001 / 1.1930) X 100,000 = 8.38 x 1.1930 = $9.99734 rounded up will be $10 per pip
- GBP/USD sa exchange rate na 1.8040: (.0001 / 1.8040) x 100,000 = 5.54 x 1.8040 = 9.99416 rounded up will be $10 per pip.
Ito ang examples ng pip values para sa EUR/USD at USD/JPY, base sa lot size.
| Pair | Close Price | Pip value kada: | ||||
|---|---|---|---|---|---|---|
| Unit | Standard lot | Mini lot | Micro lot | Nano lot | ||
| EUR/USD | Any | $0.0001 | $10 | $1 | $0.1 | $0.01 |
| USD/JPY | 1 USD = 80 JPY | $0.000125 | $12.5 | $1.25 | $0.125 | $0.0125 |
Maaaring iba ang paraan ng broker mo sa pag-calculate ng pip values ayon sa lot size pero kahit paano pa man, nasasabi nila kung ano ang pip value para sa currency na tinitrade mo sa oras na 'yon.
In other words, sila na ang bahala sa pag-compute para sa'yo!
Pag umikot ang market, ganun din ang pip value depende sa currency na kasalukuyan mong tinitrade.

Ano nga ulit ang leverage?
Baka iniisip mo kung paano ang isang maliit na investor tulad mo ay makakapag-trade ng napakalaking halaga ng pera.
Isipin mo na lang na ang broker mo ay parang isang bangko na binibigyan ka ng $100,000 para bumili ng mga currency.
Ang hinihiling lang ng bangko mula sa'yo ay ibigay mo ang $1,000 as a good-faith deposit, na itatago nila para sa’yo pero hindi nila kukunin.
Ang hirap paniwalaan? Ganito gumagana ang forex trading gamit ang leverage.

Ang dami ng leverage na gagamitin mo ay depende sa broker mo at kung ano ang comfortable kang gamitin.
Karaniwang sasabihin ng broker ang required na deposito, na kilala rin bilang “margin“.
Pag nadeposit na ang pera mo, pwede ka nang mag-trade. Sasabihin din ng broker kung magkano ang margin na required kada position (lot) na tinitrade.
Halimbawa, kung ang allowed na leverage ay 100:1 (o 1% ng position required), at gusto mong mag-trade ng position na worth $100,000, pero may $5,000 ka lang sa account mo.Walang problema dahil magsasaisang tabi ang broker ng $1,000 as a deposit at papahiram ka ng natitira.
Siyempre, kahit anong perte o kita ay ibabawas o idadagdag sa natitirang cash balance sa account mo.
Ang minimum security (margin) para sa bawat lot ay nag-iiba-iba mula sa isang broker papunta sa iba.
Sa halimbawa natin, ang broker ay humingi ng 1% margin. Ibig sabihin para sa bawat $100,000 na tinitrade, ang broker ay gusto ng $1,000 bilang deposito sa position.
Kunyari gusto mong bumili ng 1 standard lot (100,000) ng USD/JPY. Kung ang iyong account ay pinapayagan ng 100:1 leverage, kailangan mong ilagay ang $1,000 as margin.
Ang $1,000 ay HINDI bayad, ito ay isang deposit.
Makukuha mo ito pabalik kapag sinara mo na ang iyong trade.
Ang dahilan kung bakit hinihingi ng broker ang deposito ay dahil habang ang trade ay bukas, may panganib na baka mawalan ka ng pera sa position!
Pag-usapan natin na ito lang ang USD/JPY trade na nakabukas sa account mo, kailangan mong panatilihin ang equity ng account mo (absolute value ng iyong trading account) ng at least $1,000 at all times para payagan kang panatilihing bukas ang trade.
Kung bumagsak ang USD/JPY at ang trading losses mo ay magpa-baba ng equity ng account mo sa ilalim ng $1,000, isasara na ng system ng broker ang trade mo para maiwasan ang karagdagang losses.Isa itong safety mechanism upang maiwasan na ang account balance mo ay maging negatibo.
Napakahalaga na maintindihan kung paano gumagana ang margin trading kaya inilibre namin ito ng buong seksyon dito sa School.
Kailangan mong basahin ito kung ayaw mong pasabugin ang account mo!
Tuloy-tuloy lang…
Paano ko nga ba kinukwenta ang kita at lugi?
So ngayon na alam mo na kung paano i-calculate ang value ng pip at leverage, tignan natin paano mo iniisipin ang iyong kita o lugi.
I-let’s buy U.S. dollars at magbenta ng Swiss francs.
- Ang rate na nabibigay sa’yo ay 1.4525 / 1.4530.
Dahil bibili ka ng U.S. dollars, magwo-work ka dun sa “ASK” price na 1.4530, ang rate kung saan ang mga trader ay nakahanda magbenta. - So bibili ka ng 1 standard lot (100,000 units) sa 1.4530.
- Ilang oras ang lumipas, gumalaw ang price to 1.4550 at nagpasya kang isara ang iyong trade.
- Ang bagong quote para sa USD/CHF ay 1.4550 / 1.4555.
Dahil nag-umpisa kang bumili upang buksan ang trade, para isara ito, kailangan mo ibenta para isara so kailangan mong kunin ang “BID” price na 1.4550. Ang presyo kung saan ang mga trader ay nakahanda bumili. - Ang pagkakaiba sa pagitan ng 1.4530 at 1.4550 ay .0020 o 20 pips.
- Gamit ang formula natin mula sa umpisa, mayroon tayong (.0001/1.4550) x 100,000 = $6.87 kada pip x 20 pips = $137.40
Bid/Ask Spread
Tandaan, pag pumapasok o lumalabas ka sa trade, subject ka sa spread ng bid/ask quote.
Kapag bumibili ka ng currency, gagamitin mo ang offer o ASK price.
Kapag nagbebenta ka, gagamitin mo ang BID price.
Susunod, bibigyan ka namin ng recap sa pinakabagong mga terminolohiyang forex na natutunan mo!