This article has been translated from English to Tagalog.
Simulan natin sa pinaka-basic na klase ng stop: ang percentage-based stop loss.
Ang percentage-based stop ay gumagamit ng predetermined na bahagi ng account ng trader.
Halimbawa, ang “2% ng account” ay ang handang i-risk ng isang trader sa isang trade.Ang percentage risk ay nag-iiba-iba depende sa trader. Yung mas agresibo, umaabot hanggang 10% ng account nila ang risk, habang yung mas konserbatibo, kadalasan ay mas mababa pa sa 1% ang risk per trade.
Kapag na-determine na ang percentage risk, ginagamit ng forex trader ang kanyang position size para ikalkula kung gaano kalayo niya dapat ilagay ang kanyang stop mula sa entry.
Okay ito, di ba?
Isang trader ang naglalagay ng stop na ayon sa kanyang trading plan.Magaling na trading ito, di ba?
MALI!!!
Palaging i-set ang stop batay sa market environment o sa rules ng system mo, HINDI sa kung magkano ang gusto mong mawala.
Sigurado kami iniisip mo ngayon, “Huh? Parang walang sense 'yun. Akala ko ba sabi mo kailangan 'tong i-manage ang risk.”
Aminado kami mukhang nakakalito ito, pero hayaan mong ipaliwanag namin sa isang halimbawa. Naalala mo pa ba si Newbie Ned mula sa Position Sizing lesson mo?
Si Newbie Ned ay may mini account na $500 at ang minimum size na pwede niyang i-trade ay 10k units. Pinili ni Newbie Ned na i-trade ang GBP/USD, dahil nakita niya na ang resistance sa 1.5620 ay hindi nabasag.
Ayon sa kanyang risk management rules, hindi lalampas sa 2% ng kanyang account ang iririsk ni Ned kada trade.
Sa 10k units ng GBP/USD, ang bawat pip ay nagkakahalaga ng $1 at 2% ng kanyang account ay $10.
Ang pinakamalaking stop na pwede niyang ilagay ay 10 pips, kaya ito ang ginawa niya sa trade na ito sa paglagay ng stop sa 1.5630.
Pero ang GBP/USD ay gumagalaw ng mahigit 100 pips kada araw! Madali siyang ma-stop out sa pinakamaliit na galaw ng GBP/USD.
Dahil sa position limits na naka-set sa account niya, binu-base niya ang stop niya sa kung magkano ang gusto niyang mawala imbes na sa kondisyon ng market ng GBP/USD.
Tara tingnan natin kung ano ang susunod na mangyayari.
At boom! Na-stop out si Ned sa TUKTOK dahil masyadong masikip ang stop loss niya! At bukod sa pagkalugi sa trade na ito, na-miss niya ang pagkakataong makuha ang mahigit 100 pips!
Mula sa halimbawang iyon, makikita mo na ang panganib ng paggamit ng percentage stops ay pinipilit nito ang forex trader na ilagay ang stop sa isang arbitrary price level.
Either masyadong malapit sa entry, gaya sa kaso ni Newbie Ned, o sa isang price level na hindi isinasaalang-alang ang technical analysis.
Baka nga ilagay mo ang stop mo sa level kung saan pwedeng magbago ang presyo at pabor sa'yo (sino ba namang hindi nakakita nito?).
Pero dahil na-stop out ka na, hindi mo na maipon ang pips na 'yun! Nakakaasar!
Ang solusyon para kay Ned ay humanap ng broker na bagay sa kanyang trading style at starting capital.Sa kasong ito, dapat mag-trade si Ned sa forex broker na nagpapahintulot sa kanya na mag-trade ng micro o kahit custom lots.
Sa 1k ng GBP/USD, bawat pip ay nagkakahalaga ng $0.10.
Para manatili si Ned sa kanyang risk comfort level, pwede niyang i-set ang stop sa GBP/USD to 100 pips bago mawala ang 2% ng kanyang account.
Ang math: 100 pips x $0.10 = $10.
Ngayon, mayroon na siyang kakayahang i-set ang stop ayon sa market environment, trading system, support & resistance, atbp.

