This article has been translated from English to Tagalog.

Partner Center

Magkano ang dapat mong i-risk kada trade?

Gandang tanong yan.

Subukan mong limitahan ang risk mo sa 2% kada trade.

Pero baka medyo mataas pa yan. Lalo na kung baguhan ka palang sa forex trading.

Never Risk More Than 2% Per Forex Trade

Heto ang isang mahalagang ilustrasyon na magpapakita sa'yo ng pagkakaiba ng pag-risk ng maliit na porsyento ng iyong kapital kada trade kumpara sa pag-risk ng mas mataas na porsyento.

Pag-risk ng 2% vs. 10% Kada Trade

Trade # Total Account 2% risk kada trade Trade # Total Account 10% risk kada trade
1 $20,000 $400 1 $20,000 $2,000
2 $19,600 $392 2 $18,000 $1,800
3 $19,208 $384 3 $16,200 $1,620
4 $18,824 $376 4 $14,580 $1,458
5 $18,447 $369 5 $13,122 $1,312
6 $18,078 $362 6 $11,810 $1,181
7 $17,717 $354 7 $10,629 $1,063
8 $17,363 $347 8 $9,566 $957
9 $17,015 $340 9 $8,609 $861
10 $16,675 $333 10 $7,748 $775
11 $16,341 $327 11 $6,974 $697
12 $16,015 $320 12 $6,276 $628
13 $15,694 $314 13 $5,649 $565
14 $15,380 $308 14 $5,084 $508
15 $15,073 $301 15 $4,575 $458
16 $14,771 $295 16 $4,118 $412
17 $14,476 $290 17 $3,706 $371
18 $14,186 $284 18 $3,335 $334
19 $13,903 $278 19 $3,002 $300

Makikita mong ang laki ng pagkakaiba ng pag-risk ng 2% ng iyong account kumpara sa pag-risk ng 10% ng iyong account sa isang trade lang!

Kung sakaling dumaan ka sa sunod-sunod na talo at natalo ng 18 trades nang sunod-sunod, mula sa $20,000 magiging $3,002 nalang ang matitira sayo kung 10% ang nirisk mo kada trade.

Mahigit 85% ng account mo ang mawawala!

Kung 2% lang ang nirisk mo, magkakaroon ka pa ng $13,903 na kabawasan lang ng 30% ng total account mo.

Siyempre, ayaw natin mangyari na matalo ng 19 trades nang sunod-sunod, pero kahit na 5 trades lang ang talo mo nang sunod-sunod, tingnan mo ang pagkakaiba ng pag-risk ng 2% at 10%.

Kung 2% lang ang nirisk mo, magkakaroon ka pa rin ng $18,447.

Kung 10% ang nirisk mo, $13,122 nalang ang matitira sayo.

Mas mababa pa yan kaysa sa kung natalo ka ng lahat ng 19 trades at 2% lang ang nirisk mo ng account mo!

Ang punto ng ilustrasyon na ito ay kailangan mo mag-set ng iyong risk management rules para kapag dumaan ka sa drawdown period, meron ka pa ring sapat na kapital para manatili sa laro.

Imagine mo kung mawalan ka ng 85% ng account mo?!!

Kailangan mong kumita ng 566% sa natira sayo para makabawi!

Trust us, ayaw mong mapunta sa posisyon na yun.

“Ano ang Kailangan Kong Gawin para Makabawi?”

Narito ang isang table na magpapakita ng porsyento na kailangan mong kitain para makabawi kung sakaling mawalan ka ng isang tiyak na porsyento ng iyong account.

Pagkawala ng Kapital % na Kailangan para makabawi
10% 11%
20% 25%
30% 43%
40% 67%
50% 100%
60% 150%
70% 233%
80% 400%
90% 900%

Mapapansin mo na habang lumalaki ang nawawala sayo, mas mahirap bumalik sa original na laki ng account mo.

Isang dahilan ito para gawin mo ang lahat para PROTEKTAHAN ang account mo.

Hindi sigurado kung maganda o hindi ang resulta ng trade mo?

Gamitin ang aming Gain & Loss Percentage Calculator para malaman mo kung anong porsyento ng account balance mo ang napanalunan o natalo mo.

Ina-estimate din nito ang porsyento ng kasalukuyang balance na kailangan para makabalik sa breakeven point.

Gain and Loss Calculator

Sa ngayon, sana natutunan mo na dapat kang mag-risk ng maliit na porsyento ng iyong account bawat trade para maka-survive ka sa iyong losing streaks at maiwasan ang malaking drawdown sa account mo.

Tandaan, gusto mong maging casino… HINDI ang sugarol!

Don't Be a Gambler!