This article has been translated from English to Tagalog.

Divergence ay isang konsepto sa technical analysis na naglalarawan kapag ang presyo ng isang asset ay gumagalaw sa kabaligtaran direksyon ng ibang data, kadalasan ay isang technical indicator.

Halimbawa, kung ang presyo ay nagsimulang kumilos sa negatibong korelasyon sa isang indicator, (hal. "higher highs" sa presyo, pero "lower highs" sa indicator), ito ay maaaring makita bilang isang paunang indikasyon ng posibleng pagbabago sa direksyon ng presyo.

Divergence Example

Ginagamit ng mga traders ang divergences para subukang matukoy kung ang isang market trend ay humihina na, na maaaring humantong sa isang consolidation period o isang trend reversal.

Ang trading volume ay isang simpleng halimbawa ng isang indicator na maaaring magdulot ng divergences.

Sa kasong ito, ang presyo ay lilikha ng divergence kapag gumagalaw ito sa direksyon na laban sa trading volume.

Halimbawa, kung ang presyo ay tumataas pero bumababa ang volume, meron tayong divergence.

Bagamat ang divergences ay maaaring mangyari sa pagitan ng presyo ng isang asset at anumang piraso ng data, kadalasang ginagamit ito sa technical indicators, lalo na sa momentum oscillators, tulad ng Commodity Channel Index (CCI), Relative Strength Index (RSI), Stochastic, at Williams %R.

Mga Uri ng Divergences

Mayroong DALAWANG uri ng divergence:

  1. Regular
  2. Hidden

Bawat uri ng divergence ay magkakaroon ng alinman sa bullish bias o bearish bias.

Regular Divergence

Kung ang presyo ay gumagawa ng lower lows (LL), pero ang oscillator ay gumagawa ng higher lows (HL), ito ay itinuturing na regular BULLISH divergence.

Regular Bullish Divergence

Kung ang presyo ay gumagawa ng higher high (HH), pero ang oscillator ay lower high (LH), meron kang regular BEARISH divergence.

Regular Bearish Divergence

Hidden Divergence

Sa isang uptrend, kung ang presyo ay gumagawa ng higher low (HL), tingnan kung ang oscillator ay gumagawa rin ng pareho. Kung hindi at gumagawa ng lower low (LL), meron kang hidden BULLISH divergence.

Hidden Bullish Divergence

Sa isang downtrend, kung ang presyo ay gumagawa ng lower high (LH), tingnan kung ang oscillator ay gumagawa rin ng pareho. Kung hindi at gumagawa ng higher high (HH), meron kang hidden BEARISH divergence.

Hidden Bearish Divergence

Tandaan na ang regular divergences ay posibleng mga senyales ng trend reversals habang ang hidden divergences ay senyales ng trend continuation.

  • Regular divergences = senyales ng posibleng trend reversal.
  • Hidden divergences = senyales ng posibleng trend continuation.