This article has been translated from English to Tagalog.
Para mas madali mo maintindihan, as usual, mag-eexplain kami gamit ang example.
Ito si Newbie Ned.

Noong unang panahon, nung mas newbie pa siya kesa ngayon, nasunog niya yung account niya kasi naglagay siya ng sobrang laking positions.
Parang cowboy siya na galing Midwest – nag-trade siya ng bara-bara at malakihan.Hindi masyadong naintindihan ni Ned ang kahalagahan ng position sizing at ang account niya ang nagbayad ng malaki para dito.
Bumalik siya sa School of Pipsology para siguraduhing fully niyang maiintindihan ito ngayon, at para siguraduhing hindi mo mararanasan ang nangyari sa kanya!
Sa mga sumusunod na examples, ipapakita namin sa'yo kung paano mag-calculate ng position size base sa account size mo at risk comfort level.Depende rin ang position size mo kung ang account denomination mo ay pareho sa base o quote currency.
Kung ang account denomination mo ay pareho sa counter currency…
Kaka-deposit lang ni Newbie Ned ng USD 5,000 sa trading account niya at ready na siyang mag-trade ulit. Sabihin natin na ngayon gumagamit siya ng swing trading system na nag-trade ng EUR/USD at nagri-risk ng about 200 pips per trade.
Mula nung nasunog niya yung unang account niya, nangako siya na ayaw na niyang mag-risk ng higit sa 1% ng account niya kada trade.
Tara kalkulahin natin kung gaano kalaki ang position size na dapat niya ilagay para manatili sa risk comfort zone niya.
Gamit ang account balance at percentage amount na gusto niyang i-risk, pwede nating kalkulahin ang dollar amount na na-risk.
USD 5,000 x 1% (o 0.01) = USD 50
Susunod, i-divide natin ang amount na na-risk sa stop para malaman ang value per pip.
(USD 50)/(200 pips) = USD 0.25/pip
Sa huli, i-multiply natin ang value per pip sa known unit/pip value ratio ng EUR/USD. Sa kasong ito, sa 10k units (o isang mini lot), bawat pip move ay worth USD 1.
USD 0.25 per pip * [(10k units of EUR/USD)/(USD 1 per pip)] = 2,500 units of EUR/USD
Kaya, si Newbie Ned ay dapat maglagay ng 2,500 units ng EUR/USD o mas mababa para manatili sa kanyang risk comfort level sa kasalukuyang trade setup niya. Kung hindi, babalik siya sa dati niyang sugalera mode.Pretty simple, 'di ba?
Paano naman kung ang account mo ay pareho sa base currency?
Kung ang account denomination mo ay pareho sa base currency…
Sabihin natin nasa eurozone na si Ned ngayon, nagchillax, nagdesisyon na mag-trade ng forex sa local broker, at nagdeposit ng EUR 5,000.
Gamit ang parehong trade example (trading EUR/USD with a 200 pip stop) ano kaya ang magiging position size niya kung 1% lang ng account niya ang iriri-risk niya?
EUR 5,000 * 1% (o 0.01) = EUR 50
Kailangan natin i-convert ito sa USD kasi ang value ng currency pair ay kinakalkula ng counter currency. Sabihin natin ang kasalukuyang exchange rate para sa 1 EUR ay $1.5000 (EUR/USD = 1.5000).
Ang kailangan lang natin gawin para mahanap ang value sa USD ay i-invert ang kasalukuyang exchange rate para sa EUR/USD at i-multiply sa amount ng euros na gusto natin i-risk.
(USD 1.5000/EUR 1.0000) * EUR 50 = approx. USD 75.00
Susunod, i-divide ang risk mo sa USD sa stop loss mo sa pips:
(USD 75.00)/(200 pips) = $0.375 a pip move.
Ito ang nagbibigay kay Ned ng “value per pip” move na may 200 pip stop para manatili siya sa kanyang risk comfort level.
Sa huli, i-multiply ang value per pip move sa known unit-to-pip value ratio:
(USD 0.375 per pip) * [(10k units of EUR/USD)/(USD1 per pip)] = 3,750 units of EUR/USD
Kaya, para mag-risk ng EUR 50 o mas mababa sa 200 pip stop sa EUR/USD, ang position size ni Ned ay hindi dapat mas malaki sa 3,750 units.
Simpleng simple pa rin, 'di ba?
Ngayon, medyo magiging komplikado na.
Huwag ka mag-alala. Nandito kami para tulungan ka at ieexplain namin lahat para maging kasing dali ito ng paggawa ng cake.