This article has been translated from English to Tagalog.
Axie Infinity ay isang blockchain-based na laro na inspired ng Pokémon na nakatayo sa Ethereum.
Sky Mavis, isang developer mula sa Vietnam, ang nag-launch ng Axie Infinity noong 2018.
Ang laro ay umiikot sa mga player na nagpapalahi, nagpapalaki, at naglalaban ng mga cute na nilalang na tinatawag na Axies.
Ang mga player ay bumubuo ng isang kaharian para sa kanilang mga Axies. Kung wala kang Axies, pwede kang pumasok sa laro sa pamamagitan ng pagbili ng Axies mula sa ibang player sa Axie Infinity Marketplace.
Ang mga Axies at virtual na real estate ay binebenta sa isang in-game marketplace sa anyo ng NFTs.
Ang pangunahing pagkakaiba ng Axie Infinity sa tradisyonal na laro ay ang mga player ay binibigyan ng crypto tokens bilang gantimpala sa kanilang kontribusyon sa ecosystem.
Itong bagong modelo ng paglalaro ay tinawag na “play to earn“.
Bilang isang “play to earn” na laro, ang mga player ay maaaring magbenta ng mga items (kabilang ang Axies, in-game real estate, at mga accessories tulad ng mga lamp, barrels, at bulaklak) sa pamamagitan ng Axie Infinity Marketplace, habang kumokolekta din ng tokens na nagagawa ng laro.
Karamihan ng transaksyon ay nagaganap sa isang sidechain na tinatawag na Ronin, na dinisenyo ni Sky Mavis para magkaroon ng mas mababang fees kumpara sa main Ethereum blockchain.
Tokens
May dalawang crypto tokens na ginagamit sa laro:
- Axie Infinity Shards (AXS)
- Small Love Potion (SLP)
Ang pangunahing token, Axie Infinity Shards (AXS), ay isang ERC-20 utility token, at kailangan ito para malaro ang laro. Ang supply nito ay limitado sa 270,000,000 AXS.
Ang mga player ay maaaring kumita ng AXS kapag naglalaro sila ng iba't ibang laro sa loob ng Axie Infinity Universe at mataas ang kanilang ranggo sa leadership boards.
Ang AXS ay nagsisilbi din bilang isang governance token, na nagbibigay-daan sa mga holder na magkaroon ng boses sa mga susunod na pagbabago sa laro.
Puwede mo rin i-trade ang AXS katulad ng bitcoin, ether, Cardano o iba pang crypto.
Ang pangalawang token, na tinatawag na Small Love Potion (SLP), ay ibinibigay bilang gantimpala sa mga player para sa kanilang oras sa laro.
Puwede kang magkamit ng SLP sa pamamagitan ng pagtalon sa Axie ng kalaban o sa pagtapos ng mga quests sa laro. Kapag mas maraming nilalaro mo, mas maraming SLP ang maaari mong makuha.