This article has been translated from English to Tagalog.
Ang Awesome Oscillator (AO) ay isang technical indicator na ginawa ni Bill Williams na ginagamit para sukatin ang momentum.
Ang AO ay kinakalkula ang pagkakaiba sa pagitan ng 34-period at 5-period Simple Moving Averages.
Ang Simple Moving Averages na ginagamit ay hindi kinukuwenta gamit ang closing price kundi bawat bar’s midpoints.
Karaniwang ginagamit ang Awesome Oscillator para kumpirmahin ang mga trends at antisipahin ang posibleng reversals.
Paano Gamitin ang Awesome Oscillator
Hetong tatlong paraan kung paano gamitin ang Awesome Oscillator:
Zero Line
- Kapag ang Awesome Oscillator ay nasa ilalim ng zero line at bumubuo ng peak, mag-short.
- Kapag ang Awesome Oscillator ay nasa taas ng zero line at bumubuo ng gap, mag-long.
Twin Peaks
- Ang Twin Peaks ay isang metodo na isinasaisip ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang peaks sa parehong bahagi ng zero line.
- Kapag ang Awesome Oscillator ay bumuo ng dalawang peaks sa itaas ng zero line, kung saan ang pangalawang high ay mas mababa kaysa sa nauna, mag-short.
- Ang trough sa pagitan ng parehong peaks ay dapat manatili sa itaas ng Zero Line para sa buong duration ng setup.
- Kapag ang Awesome Oscillator ay bumuo ng dalawang lows sa ilalim ng zero line, kung saan ang pangalawang low ay mas mataas kaysa sa nauna, mag-long.
- Ang trough sa pagitan ng dalawang lows ay dapat manatili sa ilalim ng Zero Line sa buong oras.
Pagtawid sa Zero Line
- Kapag ang AO value ay tumatawid pataas o pababa sa zero line. Ito ay nagpapahiwatig ng pagbabago sa momentum.
- Kapag ang Awesome Oscillator ay tumawid mula sa taas pababa, mag-short.
- Kapag ang Awesome Oscillator ay tumawid mula sa baba pataas, mag-long.
Awesome Oscillator Trading Strategy
Ang Awesome Oscillator ay gumagawa ng tatlong uri ng trading signals:
1. Saucer
Ang Saucer Setup ay naghahanap ng mas mabilis na pagbabago sa momentum.
Ang Saucer method ay naghahanap ng pagbabago sa tatlong magkasunod na bars, lahat sa parehong bahagi ng Zero Line.
Ang Bullish Saucer setup ay nangyayari kapag ang AO ay nasa itaas ng Zero Line. Kasama rito ang dalawang magkasunod na pulang bars (kung saan ang pangalawang bar ay mas mababa kaysa sa unang bar) na sinusundan ng isang green Bar.
Ang Bearish Saucer setup ay nangyayari kapag ang AO ay nasa ilalim ng Zero Line. Kasama rito ang dalawang magkasunod na green bars (kung saan ang pangalawang bar ay mas mataas kaysa sa unang bar) na sinusundan ng isang pulang bar.
2. Nought Line Cross
Ang histogram ay tumatawid sa naught line pataas na binabago ang mga values mula sa negatibo patungo sa positibo. Sa sitwasyong ito, meron tayong Buy signal. Ang Sell signal ay magiging reverse pattern.
3. Two Pikes
Ang indicator ay nagpapakita ng Buy signal kapag ang figure ay nabuo ng dalawang magkasunod na pikes na parehong nasa ilalim ng naught line at ang mas huling nabuo na pike ay mas malapit sa zero level kaysa ang naunang nabuo. Ang Sell signal ay ibibigay ng reverse formation.
Kalkulasyon
Ang Awesome Oscillator ay isang 34-period simple moving average, na naka-plot sa pamamagitan ng mga central points ng bars (H+L)/2, at ibinawas mula sa 5-period simple moving average, na inilarawan sa mga central points ng bars (H+L)/2.
MEDIAN PRICE = (HIGH+LOW)/2
Awesome Oscillator = SMA(MEDIAN PRICE, 5)-SMA(MEDIAN PRICE, 34)
Kung saan:
SMA = Simple Moving Average.
