This article has been translated from English to Tagalog.
Ang Automated Market Maker (AMM) ay isang protocol sa decentralized exchanges (DEX) na tinatanggal ang order book na makikita sa traditional exchanges, kung saan ang liquidity ay ibinibigay ng mga buyer at seller orders, at pinapalitan ito ng liquidity pools, isang shared pot ng mga tokens.
Ang mga users ng AMM ay nagsusupply ng tokens sa pool at pagkatapos ay kinakalculate ang presyo ng isang asset gamit ang isang mathematical formula.
Nakatutulong ang AMMs sa mga bagong DEXs na kakaunti pa lang ang mga buyers at sellers na regular na nagte-trade – o mababa ang liquidity – sa kanilang simula.
Habang lumalaki ang mga assets na ibinibigay ng liquidity providers (mga buyers at sellers) sa pool, lumalaki rin ang liquidity ng DEX.
Ang liquidity providers ay may insentibo sa kita mula sa kanilang share ng pool tokens na ibinigay, at ang DEX ay nabibigyan ng karagdagang liquidity, kaya mas madali ang pagte-trade sa DEX.
May iba’t ibang approach kung paano kino-configure ng AMMs ang kanilang mathematical formula para sa pricing at liquidity, at dito nagkakaiba-iba ang mga AMM models.
Apat na sikat na AMMs sa DeFi na sobrang naging popular ay Uniswap, Pancakeswap, Curve, at Balancer.