This article has been translated from English to Tagalog.
Authentication, sa pinaka-simpleng level, ay isang security process na chine-check ang pagkatao mo o login credentials bago ka bigyan ng access sa mga resources, mapa-blockchain network man 'yan, crypto exchange account, o personal mong cryptocurrency wallet.
Halos lahat ng service o app na ginagamit natin na konektado sa Internet, kinakailangan mong mag-log in bago mo makuha ang personalized service o access sa account data mo.
Hindi naiiba ang cryptocurrency services at apps diyan.
Yung two-factor authentication, halimbawa, ay isang klaseng authentication na ino-offer ng lahat ng cryptocurrency exchanges na kailangan ng dalawang magkaibang paraan ng pag-check ng user identification bago bigyan ng access ang account holder sa account niya.
Sa pag-login o registration, maaaring kasama rito ang kailangan na parehong username + password combination AT isang SMS-based code na pinapadala sa mobile phone ng account holder, na kailangang ibigay sabay-sabay o hindi maibibigay ang access.
Maraming online services ngayon ang sumusuporta sa mga software-based authentication apps kagaya ng Google Authenticator na tumatakbo sa smartphone o tablet mo at nagbibigay sa'yo ng 6-digit one-time password na kailangan ilagay kasama ng username at password mo sa pag-login.
Ang mga crypto-related apps at services ay nag-evolve na rin para mag-offer ng ganitong mas pinahusay na form ng two-factor authentication.