This article has been translated from English to Tagalog.

Ang Atomic Swap ay isang trading technique na nagbibigay-daan sa dalawang magkaibang parties na makapag-swap o makapag-exchange ng isang cryptocurrency para sa isang ganap na ibang cryptocurrency, lahat ito ay nangyayari nang walang sangkot na 3rd party gaya ng centralized cryptocurrency exchange (CEX), tulad ng Coinbase.

Nangyayari ang transaction gamit ang smart contract, kaya kahit hindi magkakilala ang dalawang parties, puwede pa rin itong maganap.

Nakakamit ito sa pamamagitan ng isang serye ng smart contract rules and conditions na kailangang masunod sa loob ng tiyak na oras bago maganap ang trade.

Gumagawa ang smart contract ng cryptographic proofs, na nagkukumpirma ng pondo na gustong i-exchange ng bawat party.

Ang atomic swaps ay kapaki-pakinabang dahil mabilis ito.

Hindi rin ito umaasa sa mga intermediaries na puwedeng magdala ng mga security concerns dahil lang ginagamit mo sila.

Nagbibigay ito sa mga parties ng mas maraming control dahil lahat ng transaksyon ay nagmumula sa personal wallet at hindi sa wallet na may ibang intermediary.

Mas mura rin ang Atomic Swaps kumpara sa trading sa mga tradisyunal na centralized exchanges.