This article has been translated from English to Tagalog.
Asymmetric slippage ay nangyayari kapag ang broker mo ay iba ang pag-handle ng orders depende kung ang market ay gumalaw pabor o laban sa'yo.
Slippage ay ang pagkakaiba ng inaasahang presyo ng trade at ang aktwal na presyo kung saan ito naisagawa.
Ang mga market ay pwedeng gumalaw sa loob ng milliseconds, ibig sabihin ang presyo na klinik mo para i-trade ay maaring nag-iba na pagdating sa broker mo.
Ang slippage ay pwedeng mangyari dahil sa iba't ibang rason at maaring maging pabor o laban sa isang trader.
Ang asymmetric slippage ay nangyayari kapag pinapasa ng broker ang negative price movements sa'yo pero sinusubukang kunin ang positive slippage para sa sarili nila sa pamamagitan ng pagbibigay sa'yo ng original quoted price kung saan nagkaroon ng positive movement para sa broker sa pagitan ng pagkakaroon ng quote at pagsasagawa ng order.
Iba ang asymmetric price slippage kasi hindi pinapayagan ang traders na makinabang sa price improvements, at ang slippage ay nangyayari lang kapag ito ay laban sa trade.
Ang ganitong practice ay illegal. Ang mga kompanyang hindi nagpapasa ng improvements sa execution prices ay lumalabag sa parehong regulasyon ng U.S. at Europa.
Ang mga brokers na hindi regulated sa mga hurisdiksyon na may mahigpit na regulatory agency ay mas maaring hindi ipasa ang positive slippage sa mga traders.