This article has been translated from English to Tagalog.

Ang Aroon Oscillator ay sumusukat sa lakas ng isang trend at ginawa sa pamamagitan ng pag-subtract ng Aroon Down mula sa Aroon Up.

Dinisenyo ni Tushar Chande noong 1995, ang Aroon ay isang indicator system na pwedeng gamitin para malaman kung ang presyo ay nasa trend at kung gaano kalakas ang trend na ito.

Ang “Aroon” ay nangangahulugang “Dawn’s Early Light” sa Sanskrit at pinili ni Chande ang pangalang iyon para sa indicator na ito dahil ito ay ginawa para ipakita ang simula ng bagong trend.

Ang Aroon Oscillator ay nag-o-oscillate sa pagitan ng -100 at +100 na may zero bilang centerline. Nagbibigay ito ng signal ng uptrend kung ito ay gumagalaw pataas sa upper limit at downtrend naman kapag gumagalaw pababa sa lower limit. Mas malapit ang value ng Aroon Oscillator sa alinman sa mga extreme, mas malakas ang trend.

Aroon Oscillator

Ang Aroon Oscillator ay isang linya na kung saan ito ay ang pagkakaiba sa pagitan ng Aroon(up) at Aroon(down).

Lahat ng tatlo ay gumagamit ng isang parameter na kung saan ito ay ang numero ng time periods na gagamitin sa kalkulasyon.

Dahil ang Aroon(up) at Aroon(down) ay parehong nag-o-oscillate sa pagitan ng 0 at +100, ang Aroon Oscillator ay may saklaw ng -100 hanggang +100 na may zero bilang crossover line.

Ang Aroon(up) para sa isang time period ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagtukoy kung gaano karaming oras (batay sa porsyento) ang lumipas mula sa simula ng time period at ang punto kung saan naganap ang highest closing price sa panahong iyon.

Kapag ang presyo ay nagtatakda ng mga bagong highs para sa time period, ang Aroon(up) ay magiging 100.

Kung ang presyo ay bumaba bawat araw sa time period, ang Aroon(up) ay magiging zero.

Ang Aroon(down) ay kinakalkula sa kabaligtaran na paraan, naghahanap ng mga bagong lows sa halip na bagong highs.

Aroon Oscillator with Aroon Up/Down

Consolidation

Kapag ang Aroon(up) at Aroon(down) ay bumababa na magkalapit, ito ay nagsasaad na may consolidation phase at walang malakas na trend na malinaw.

Upward Momentum

Kapag ang Aroon(up) ay bumaba sa 50, ito ay nagpapakita na ang kasalukuyang trend ay nawalan ng upward momentum.

Downward Momentum

Kapag ang Aroon(down) ay bumaba sa 50, ang kasalukuyang downtrend ay nawalan ng momentum.

Trend Direction

Mga value na higit sa 70 ay nagpapakita ng malakas na trend sa parehong direksyon na ang Aroon (up o down) ay papunta.

Mga value na mas mababa sa 30 ay nagpapakita na ang isang malakas na trend sa kabaligtaran na direksyon ay nangyayari.

New Trend

Ang Aroon Oscillator ay nagbibigay ng signal ng upward trend kapag ito ay higit sa zero at downward trend kapag ito ay bumaba sa zero.

Trend Strength

Kapag mas malayo ang oscillator mula sa zero line, mas malakas ang trend.