This article has been translated from English to Tagalog.

Ang acronym para sa “anti-money laundering“, AML ay isang koleksyon ng mga patakaran, regulasyon, batas sa pananalapi, estratehiya, at pinakamahuhusay na praktis na ginagamit ng mga institusyong pinansyal at negosyo (tulad ng cryptocurrency exchanges at mga bangko) para pigilan ang mga kriminal na mag-launder ng ilegal na nakuhang pera.

Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pag-detect at pag-identify ng mga kahina-hinalang aktibidad sa transaksyon sa blockchain o sa loob ng banking network na nagtatangkang i-convert ang ilegal na nakuhang pera sa ibang currency.

Kalimitan itong ginagawa sa pamamagitan ng pag-convert ng cryptocurrencies sa fiat money, at paglipat ng mga currency sa iba't ibang wallets at accounts sa pag-asang matakpan ang tunay na pagkakakilanlan ng may-ari.

Naging mas importante ang mga AML policy habang nagiging mas kaakit-akit ang cryptocurrencies sa mga kriminal.

Naaakit ang mga kriminal sa cryptocurrencies at iba pang digital assets dahil sa kanilang pseudonymous status at ang kadalian ng pagpapadala at pagtanggap ng pondo kahit saan sa mundo, mas mabilis pa sa tradisyunal na paraan ng pagpapadala ng pera.

Tinatayang mahigit sa US $2 billion ang na-launder sa pamamagitan ng crypto exchanges noong 2020.