This article has been translated from English to Tagalog.
Altcoins ay mga cryptocurrency na iba sa bitcoin. Maraming altcoins ay mga forks (variations) ng bitcoin.
Ang “Altcoin” ay kombinasyon ng dalawang salita: “alt” at “coin”. Ang salitang “alt” ay short para sa alternative at ang “coin” ay nangangahulugang currency.
Galing ito sa idea na ang bitcoin ang original na cryptocurrency at ang lahat ng iba pa ay kinokonsidera bilang “alternate” o “alternative” coins.
Sa kabuuan, ito ay nangangahulugang mga cryptocurrency na alternatibo sa original na cryptocurrency na tinatawag na bitcoin.
Maraming altcoins ang lumitaw pero ang bitcoin pa rin ang pinakamalaki at pinakasikat sa lahat ng cryptocurrencies.
Ang terminong “altcoin” ay ginagamit din nang medyo malawak para tukuyin ang digital assets na technically ay maaaring tawagin na “tokens” imbes na coins.
Ang pinakakilalang halimbawa ay ang mga ERC-20 tokens na nasa ibabaw ng Ethereum blockchain.
Mula nang malikha ang Bitcoin noong 2008, mahigit 2,000 na alternative cryptocurrencies ang na-deploy.
Marami sa mga altcoins na ito ay ginawa bilang mga binagong kopya ng Bitcoin, sa pamamagitan ng proseso na tinatawag na Hard Fork. Kahit na may ilang pagkakatulad, bawat altcoin ay may sariling functionalities.