This article has been translated from English to Tagalog.
Ang algorithm (“algo”) ay isang set ng mathematical instructions o rules na naka-program sa computer software para makuha ang isang outcome o solusyunan ang isang specific na problema o set ng mga problema.
Sa context ng cryptography at data security, ang cryptographic algorithms ang may trabaho na gawing hindi madaling mabasa ng mata ng tao ang isang data – data na protektado – at ibalik ito sa readable na anyo.
Direktang sangkot ang mga algorithms sa data encryption, digital signatures, at authentication.
Sa mundo ng trading, madalas ginagamit ang algorithms sa automated trading o high-frequency trading (HFT) para makabili at makabenta ng securities sa loob lang ng microseconds (isang millionth ng isang segundo).
Pwede maging simple ang mga algorithms – ilang linya lang ng computer code – o pwede ring complex – may mga algorithms na libu-libong linya ang haba.
Halimbawa ng trading algorithm ay yung base sa mean reversion. Ang mean reversion ay simpleng ibig sabihin na babalik ang presyo sa average over time. Gamit ang mean reversion at Bollinger Bands, pwedeng maghanap ang algorithm ng stocks o cryptocurrencies na mataas o mababa ang posisyon sa loob ng bands.
Bibilhin ng algo ang mababang presyo na security at ibebenta ang mataas na presyo na security. Sa paglipas ng panahon, babalik ang presyo sa mean, o gitna, at gagawin ng algo ang kasalungat ng initial na orders.