This article has been translated from English to Tagalog.
Ang airdrop ay isang distribusyon ng libreng cryptocurrency o tokens na kadalasang ginagawa bilang marketing tactic ng mga bagong proyekto o hindi gaanong popular na proyekto.
Ang purpose ng pagbibigay ng libreng crypto via “airdrop” ay para palakihin ang user adoption, palakasin ang community engagement, o simpleng mag-build ng awareness.
Ang isang cryptocurrency o token creator ay maaaring mag-offer ng airdrops sa simula pa lang ng release ng proyekto sa publiko upang sana'y dumami ang gumagamit nito, o kaya naman ay magbigay ng airdrop sa existing community bilang pasasalamat sa mga early adopters.
May ilang crypto projects na naglalagay ng simpleng tasks na kailangang kumpletuhin ng mga gustong makatanggap ng airdrop bago nila ito makuha, tulad ng pag-share ng balita sa social media tungkol sa proyekto, habang ang iba naman ay nagho-host ng contests and giveaways, kung saan ang airdrops ang premyo.
Hindi ka yayaman sa airdrops, kasi kadalasan maliit lang na halaga ng tunay na cryptocurrency ang binibigay.
Sa dami ng cryptocurrencies na nag-o-offer ng airdrops, may mga websites at social media accounts na dedicated para subaybayan ang pinakabagong airdrops sa buong cryptocurrency market.
Pero mag-ingat, kasi may mga airdrops na ginagamit para makapanloko ng mga gustong sumali.