This article has been translated from English to Tagalog.

Aggressors ay mga trader na nagtatanggal ng liquidity sa market sa pamamagitan ng pagpasok ng buy at sell orders sa kasalukuyang market prices.

Imbes na pumasok sa limit orders, bumibili ang mga aggressors sa kasalukuyang market ask price o nagbebenta sa kasalukuyang bid price.

Dahil ang mga aggressors ay bumibili ng available contracts sa kasalukuyang market price, ang kanilang orders ay agad na na-eexecute.

Ang agarang aksyon na ito ay nangangahulugan na nagbebenta ang mga aggressors sa mas mababang presyo at bumibili sa mas mataas na presyo, kaya naitutulak ang ibang mga trader palabas at natatanggalan ng liquidity ang market.

Sa kabilang banda, ang mga passive traders ay nagdadagdag ng liquidity sa market sa pamamagitan ng paglagay ng trades na may bids at offers, na maaaring hindi agad na mapuno o ma-execute.

Ano ang ginagawa ng mga Aggressors?

Tinitignan ng mga aggressors ang pagpepresyo sa isang market na may ibat-ibang mga orders sa iba’t-ibang mga presyo.

Ang best bid at best offer prices ang magse-set ng bid-ask spread.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang presyong ito ay mag-iiba depende sa kasalukuyang kondisyon ng market.

Ang dami ng mga contracts na available para sa pagbili o pagbenta ay maaari ring magkaiba.

Halimbawa, kung ang bid-ask spread para sa EUR/USD ay 1M units sa 1.1010 / 1.1012, ang isang aggressor ay agad na bibili ng 1M units sa best asking price na 1.1012 o agad na magbebenta ng 1M units sa best bid na 1.1010.

Ang isang passive trader na gustong bumili ng EUR/USD ay maaaring mag-alok ng kaunti pang mataas, halimbawa, 1.1011.

Ang passive trading ay kadalasang nagpapaliit ng spreads at nagdadagdag ng liquidity sa mga merkado, habang ang aggressive trading ay nag-aalis ng liquidity.

Paano naapektuhan ng mga Aggressors ang market liquidity?

Ang mga kalahok sa merkado ay may access sa order book, na nagpapakita ng listahan ng lahat ng kasalukuyang bids at offers, na ang ilan ay maaaring hindi malapit sa kasalukuyang market price.

Gamit ang ating halimbawa sa itaas, ang pinakamahusay na market price para sa EUR/USD ay 1M units sa 1.1010.

Ang ibang bids ay maaaring “magpahinga” sa ibaba ng presyong iyon, tulad ng 2M units para sa 1.1009 o 3M units sa 1.1008.

Gayundin, ang ibang asks ay maaaring mas mataas sa pinakamahusay na kasalukuyang asking price.

Kung ang pinakamahusay na offer ay kasalukuyang 1.1012, ang mas mataas na alok ay maaaring 3M units na for sale sa 1.1013 o 2M units sa 1.1014.

Sa pamamagitan ng pag-aksyon agad sa kasalukuyang bid o asking price, ang mga aggressors ay patuloy na nagbebenta sa mas mababa at mas mababang presyo o bumibili sa mas mataas at mas mataas na presyo.

Ang pag-ipit na ito ay nagdudulot ng volatility, na magiging mas karaniwan habang ang mga merkado ay nagiging manipis at hindi balanse habang ang ibang mga trader ay naitutulak palabas.